Cherry Blossoms Malapit Nang Tumubo Sa Baguio Dahil Mayroong Nagdonate Na Mga Japanese



Sikat sa mga bansa tulad ng Korea at Japan ang puno ng cherry blossoms. Ang punong ito ay nagiging isang tourist attraction sa ibang bansa dahil sa kakaibang kulay nito na kulay pink. Bagamat ang punong ito nabubuhay sa mga malalamig na lugar, posible rin na ito ay tumubo sa malamig na klima sa Baguio.
Inaasahan ng mga Pilipino na magkakaroon na rin tayo ng cherry blossom trees sa Baguio loob ng tatlo hanggang limang taon.
Ito ay dahil mayroong grupo ng mga Japanase people na nagdonate ng 20 cherry blossom seedlings sa ating bansa at inaasahang tutubo ito katulad ng sikat na sakura sa Japan.
Ang mga sakura seedlings ay dinonate sa Baguio Country Club, na isang historical golf course sa summer capital ng Pilipinas. Sa isang report, ayon kay Maria Paz-Suzuki na isa na isang Baguio Country Club member, ang ideya na ito ay nagmula pa sa kanyang Japanese na asawa.
Ibinahagi ni Suzuki na plano niyang magtanim ng mga pine trees sa club nang naisipan na lamang ng kanyang asawa kung bakit hindi na lamang cherry blossoms ang kanilang itanim. 
Noong una ay tumanggi si Suzuki na hindi naman daw tutubo ang mga cherry blossom trees sa Baguio. Ngunit sinabi ng kanyang asawa na bakit hindi na lamang nila muna subukan.
At doon nagsimula ang kanilang planong magdala ng mga sakura seedlings sa bansa. Noong una ay nagdala sila ng lupa na mula sa Baguio at saka pina-analyze ito sa isang agricultural facility sa Japan upang matiyak kung may tiyansa bang tumubo ang mga sakura trees sa Pilipinas. 
Taong 2017 nang malaman nilang posibleng tumubo ang mga puno na ito sa Baguio dahil sa malamig na klima dito. Ngunit ang isang naging pagsubok sa kanila ay ang pagdadala ng mga sakura seedlings mula Japan patungong Pilipinas.

Hindi ito naging madali dahil maraming custom restrictions bago maipasok ang alin mang halaman na galing ibang bansa. Ngunit sa bandang huli ay naging matagumpay ang kanilang plano.
Ang dinonate na 20 sakura seedlings ay aalagaan at paparamihin at sinisiguro ng Japanese group na nagdonate ng mga ito ay magtatanim pa ng higit 100 puno sa club. 
Sana nga ay maging matagumpay ang pagdami at pagtubo ng mga cherry blossom trees sa ating bansa dahil makakatulong ito upang mapaunlad ang turismo sa ating bansa. At makaka-experience na rin ng cherry blossoms ang mga Pilipino.

5 Comments

Add yours
  1. 5
    Unknown

    Mtagal n po may cherry blossoms dto s atin.ang tatanda n ng trees s Kalibo Town Plaza.gift ng japanese dati s govt ng Aklan.khit kmi may mga tanim din.dto s Antipolo may mga puno rin..thanks po.hoping maparami p

+ Leave a Comment