Dati Ay Hirap Ang Babaeng Ito Sa Mga Math Subjects, Pero Ngayon Isa Na Siyang NASA Engineer



Ang math ay isa sa mga subjects na ayaw na ayaw ng mga estudyante. Bukod sa napakaraming numero ang iyong inaaral ay napakarami pang mga formula na dapat maintindihan. Ngunit bilang isang engineer, kailangan ay magaling ka sa math.
Ang Pinay na si Josephine Santiago-Bond noon ay hirap na hirap sa subjects na math noong siya ay nag-aaral pa. Ngunit nakakabigla dahil kahit naging pagsubok sa kanya ito noon, ngayon ay isa na siyang engineer sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), isang federal agency na responsable sa aerospace research, aeronautics at civilian space program.
“As a child, I always knew I would go to college, get a job, try to earn enough to afford the things I need and want, but I had not envisioned a particular profession.”

Siya ay galing sa pamilya ng mga scientist na ‘doktor’ kung ituring. Ngunit siya ay walang plano na sumunod sa kanilang yapak. Ang kanyang mga magulang at mga nakakatandang kapatid ay mayroong lahat PhD, ngunit siya hindi pa rin niya matiyak kung ano nga ba ang gusto niyang dahil nga hirap siya noon sa math.
Siya ay nag-aral sa Philippine Science High School at doon ay na-challege siya dahil mas maraming math at science subjects ang nire-require ng eskwalahan.
Sa totoong lang ay wala siyang intensyon na maging engineer. Ngunit buti na lamang at nakumbinse siya ng kanyang dating kaklase na kumuha ng kursong Electronics and Communications Engineering sa University of the Philippines.

At ganoon pa rin ang kanyang naranasan. naging pagsubok ang mga math subjects sa kanyang pagkokolehiyo.
Talagang tyinaga niya ang pag-aaral ng kanyang kurso kahit siya ay nahihirapan dahil gusto niya talagang makapagtapos nito. At dahil na rin sa sipag ay natapos niya ang 5 year course na ito.
Siya ay kumuha rin ng masteral hanggang nakapag-intern siya sa John F. Kennedy Space Center. At iyon na pala ang simula ng kanyang career. 

+ There are no comments

Add yours