Estudyante Naitangay Ang Pinagkakainang Plato Papalabas Ng Isang Mall
Totoo nga na kapag ang isang tao ay nakakaranas ng pangamba ay nakakaroon siya ng adrenaline rush. Ito ay isang defense mechanism o biglaang pagresponde ng katawan. Sa oras na ito, ang isang tao ay nakakagawa ng mga hindi inaasahang gawain.
Noong April 10 nang ang upper portion ng isang mall sa Davao City ay nakaranas ng sun0g. Sa isang video na kumakalat online, marami sa mga taong nasa loob ng mall ay nagtakbuhan papalabas ng gusali. Ngunit sa kabila nito, isang lalaking estudyante ang nakapukaw ng atensyon ng publiko.
Ibinahagi ng isang netizen na si Joshua Jamez ang larawan ni Eujay Regner, isang 20 taong gulang na graduating student ng University of Southeastern Philippines dahil sa diumano’y naitangay nitong platong pinagkakainan papalabas sa nasusun0g na gusali.
Ayon sa viral na estudyante, noong araw na iyon ay kanilang thesis defense. Hindi siya nakakain ng agahan at tanghalian dahil sa preparasyon ng kanilang defense. At pagkatapos ng kanilang matagumpay na thesis defense ay naisipan nilang mag-celebrate at kumain sa labas lalo na siya na gutom na gutom na.
Ilang minuto rin bago sila nakakuha ng lugar sa restaurant na kung saan sila kakain. At noong nai-serve na ang pagkain ay excited na siyang kumain dahil sa sobrang gutom niya ay bigla namang may sumigaw na guard.
“Isusubo ko na sana yung kanin tapos may biglang sumigaw na “Labas! May sun0g!”, na badtrip ako kasi isusubo ko na sana, so tumakbo kami palabas, nag automatic respond yung body ko, kinuha ko yung plato ko tapos dinala ko sa labas.”
Noong sila ay nasa labas at pinapanood ang mga bumbero na tupukin ang sunog ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. At ang mga netizens sa kanyang paligid ay kinuhan naman siya ng picture at video.
“I was worried baka kasi may ma-stranded or nasaktan. Pero mas na worry po ako sa food namin kasi last money na lang po talaga namin yun. Napilitan lang kami mag gastos just to give ourselves a break we need from our thesis.”
Lahad ng ibang netizens na hindi naman karapatdapat ang kanyang ginawa ngunit ipinagtanggol naman siya ng iba at sinabi na bilang isang customer ay karapatan niyang ubusin ang kanyang pagkaing binili.
+ There are no comments
Add yours