Estudyante Sinubukang Maging Kargador Sa Taiwan, Naramdaman Ang Tinitiis Na Hirap Ng Mga OFW



Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay itinuturing nating mga bayani. Ito ay dahil nakikipagsapalaran sila sa ibang bansa upang mabuhay nila ang kanilang pamilya dito sa ating bansa. 
Akala ng iba na kapag nagtatrabaho ka sa ibang bansa ay namumuhay ka na na parang hari o reyna. Ang hindi nila alam na sa bawat padala nila ng pera sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas ay bunga iyon ng kanilang pawis at pagod sa pagtatrabaho at samahan mo na rin ng pakikisama sa mga ibang lahi. 
Ibiniahagi ng isang estudyante na si Jan Marvian Frias ang kanyang naging karanasan matapos subukang maging kargador sa Taiwan. Si Frias pumunta sa bansang iyon upang mag-aral, at kahit na binibigyan siya ng allowance ay nais niyang masubukan kung paano maging isang Overseas Filipino Worker. 
Na-curious lang daw siya kaya niya ito sinubukan. At sa huli ay nalaman niya ang isang napakaimportanteng bagay. 
Bilang isang kargador ay kinailangan ni Frias na magbuhat ng daan-daang box ng mga goods, paakyat pababa sa hagdaan at pabalik-balik. Hindi ito isang napakadaling trabaho. Sa katunayan, sobra siyang napagod para kumita ng 700TWD (Php1,200) para sa 5 oras niyang pagtatrabaho.

Dito ay napagtanto niya kung gaano kahirap ang nararansan ng mga OFW at kung ano ang sakripisyong ginagawa nila para sa kanilang mga pamilya. 
“Buhat dito, buhat doon. May nakakasalamuha pa akong mga Indonesian at iba pang lahi. Iba iba ang ugali at kultura. Pero dapat dalhin mo sarili mo. Bukod sa bigat ng trabaho , may language barrier pa. Pag sinabing akyat ng 6th floor, akyat. Pagsinabing buhat, buhat. Bawal maarte. Bawal magreklamo.”
“Lalo akong humanga sa katatagan na meron sila. Sa isip isip ko, sana nakikita ng mga pamilya nila yung nakikita ko ngayon. Di ako emosyonal na tao, pero nung nasaksihan ko to, ang lit, durog puso e.”

Isang napakaimportanteng araw ang natutunan ni Frias at lalo pa niyang napahalagahan ang sakripisyo na ginagawa ng mga OFW habang sila ay malayo sa kanilang pamilya. 

+ There are no comments

Add yours