Filipina Hiker, Nagsuot ng Red Gown at Winagayway ang Bandila ng Pilipinas sa Basecamp ng Mt. Everest
Kilala ang isang hiker na si Bianca Lawas o Amaryllis Bianca Lawas sa buo niyang pangalan bilang isa sa mga sikat na hiker sa Pilipinas. Pinanganak mula sa Malate Manila at tanyag na hiker at mahilig mag travel simula noong 2000 pa lamang.
Isa sa mga ideya at pangarap ni Bianca Lawas ang mag suot ng pulang gown sa kanyang pag punta sa isa sa mga kampo ng Mount Everest kahit sa masyadong mababa na temperatura nito. Upang matupad ang kanyang pangarap, hindi nag papigil si Bianca na mag suot ng pulang gown na may sash na ‘PHILIPPINES’ na nakasabit sa kanyang balikat hawak ang watawat ng Pilipinas na kung saan ibinahagi nya sa kanyang Facebook post na umanu ng 1600 likes at 204 comments.
Ginugol ni Bianca ang sampung araw maakyat lamang ang base camp na ito. Upang makapag ensayo sa pagakyat niya sa Everest, inakyat muna ni Bianca at ng kaniyang grupo ang mga bundok tulad ng Apo, Halcon at Guiting-Guiting sa Pilipinas, pati narin ang Mt. Kinabalu and Mt. Fuji sa ibang bansa.
Hindi man ito kasing kahanga-hanga katulad ng isang lalakig umakyat sa Everest suot lamang ang shorts, hindi naman biro ang ginawa ng Pinay lalo na’t kelangan nya mag hubad at mag palit ng damit. Isiniwalat pa nya na umuulan ng nyebe noong kinuhaan sya ng litrato at ang temeperatura ay -15 degrees celsius. “No joke at all!!! Hahaha!” sabi pa nya.
+ There are no comments
Add yours