First Time Na Ang Sikat Na Jeepney Ng Pilipinas Nakita Sa Kalsada Ng New York City



Isa sa mga kilalang public utility vehicles sa Pilipinas ang mga jeep. Naging iconic ang mga sarao jeep dito sa ating bansa dahil kahit saang sulok ka man naroroon ay makikitang ginagamit ito bilang transportasyon. 
Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na ang sikat na “Hari ng kalsada” na jeepney ng ating bansa ay nakarating ng United States.
Nakita ang stainless steel jeep na may kulay blue and yellow sa isang kalsada ng Big Apple. At hindi lamang ito isang display, kundi totoong umaandar pa ito. Ito pala ay dinala ng Fil-Am rapper na si Apl.de.ap ng Black Eyed Peas para sa annual Filipino commemoration ng Independence Day sa New York.
Makikita na mayroon itong slogan na, “It’s More Fun in the Philippines” dahil nakipag-collaborate si Apl.de.ap sa Tourism Promotions Board para sa isang project. 

Maraming New Yorkers naman ang nagtataka kung ano ba ang sasakyang ito na tumatakbo sa kanilang kalsada dahil baka ito ang unang beses nilang makakita ng isang pampasaherong jeep ng Pilipinas lalo na’t ito ang unang beses na naidala ito sa abroad.
Hindi man sinakyan ni Apl.de.ap ang nasabing jeep noong Independence Day Parade dahil nakasakay siya sa isang separate float habang winawagay-wagay ang Philippine flag, ngunit proud naman niyang ibinahagi ang mga larawan ng iconic sarao jeep sa kanyang social media account na mayroong caption na,
“My The Philippines It’s More Fun in the Philippines jeepney is finally done and making its debut in the Independence day parade in New York!!! Thank you to everyone for making this happen.”
Maraming Pilipino ang na-excite at na-amaze nang makita ang jeep na ito sa streets ng New York at hindi naman napigilan ng ating ibang kababayan na magpa-letrato dito. 
Talaga namang kahanga-hanga rin ang naging effort ni Apl.de.ap dahil proud niyang ipakilala sa buong mundo ang tatak ng Pinoy at ang kanyang pagiging Pilipino.  

1 comment

Add yours

+ Leave a Comment