Hotel Na Nanghihingi Ng Proof Of Marriage Bago Makapagpa-Book Ng Kwarto, Umani Ng Iba’t Ibang Reaksyon
Ang bawat establisyemento tulad ng mga resorts, hotels, etc. ay mayroong kanya-kanyang mga rules and regulations na kailangang sundin ng mga guests. Ngunit ang isang hotel na ito sa Badiangan, Iloilo ay nagviral matapos ipost sa social media ang kanilang guidelines bago magkapagpa-book ng kwarto.
Isang Facebook user na si Bonnie Degala ang nagbahagi ng larawan ng hotel guidelines ng Epharathah Farms hotel bago makapagpa-book ng couple room. Ang larawan na iyon ay umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens.
Makikita sa larawan na kanyang pinost na mayroong guidelines na:
1. Only married couples are allowed to share a room.
2. Front desk may require proof of marriage like IDs, wedding rings, etc.before being allowed to book a room
3. In as much as we would like to maximize our business gains, we are compelled by our Christian belief and values to adhere to this rule.
Ang photo kung saan nakasulat ang mga hotel guidelines ay mayroon pang kasamang picture ng popular na ABS-CBN teleserye na “Halik” na mayroong istorya tungkol sa mga extra-marital affairs.
Sa photo na ibinahagi ni Degala ay naglagay ito ng caption na, “Ethical business is good business. That’s how an economic human enterprise helps build God’s kingdom here on earth.”
Samantala, ang mga netizens naman ay nagbigay ng kani-kanilang mga reaksyon at opinyon tungkol sa viral na photo.
Isang netizen ang nagcomment na, “Proud of you to be abiding by your Christian conviction even if it will mean losing a lot of clients. But then, it is God who grants us success. The Lord bless you!”
Ngunit ang ilang netizens naman ay hindi nagustuhan ang hotel policies at sinasabing ito ay offensive. Ang ilan naman ay binatikos ang paggamit ng larawan ng mga aktor at aktress na hindi naman daw dapat iyon ginamit.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang resort at sinabi na hindi nila intensyon na magviral ang larawan at mayroon daw talaga silang ibang poster na ginagamit. Ang larawan na nagviral ay “internal” lamang at ipinapakita lamang sa mga guests na nagpupumilit magbook ng kwarto na ayaw sumunod sa kanilang guidelines.
mas ok nga yan iwas scandal sa manga ibang hotel basta maka-pera ok na wla nman masama na pumunta ng hotel pwera lang kong na ngabit ka kay misis or mrs kya poh saludo ako sa inyo sir or ma'am the owner godbless poh