Ibinahagi Ng Proud Kasambahay Ang Pagtatapos Niya Bilang Magna Cum Laude



Kahanga-hanga ang istorya ng mga estudyante na napagsasabay nila ang pag-aaral at pagtatrabaho. At kahit na nahahati ang kanilang oras ay nagagawa pa nilang makakuha ng mga awards sa eskwela, katulad na lamang ng inspiring na istorya na ito.
Ibinahagi ng netizen na si Jarel Barcelona Tadio ang kanyang naging karanasan bilang isang estudyante at nawa’y maging inspirasyon siya sa iba. 
Bata pa lamang noon si Jarel nang mamulat na ang kanyang mata sa kahirapan. Alam niya na naiiba siya sa ibang mga bata dahil ang kanyang pamilya ay walang pera na pampaaral sa kanya. 
Noong siya ay nasa elementary, pinag-uusapan nila sa klase kung ano ang mga ambisyon nila. Ngunit si Jarel ay hindi niya ibinabahagi ang kanyang ambisyon dahil alam niya sa sarili niya na maliit ang tiyansang maging totoo ang kanyang pangarap dahil baka hindi man siya makatuntong sa kolehiyo.
Ayon sa kanyang post tinanong siya kung ano ang gusto niya sa paglaki. Ngunit sa mahina at nakakahiyang boses ay sumagot siya na wala. 
“Wala. Wala akong gustong maging in the future. Basta ma-iayos ko ang ang buhay nila mama, ok na ko.” sagot niya.
Nakaabot siya ng high school at ganoon pa rin. Kahit na isa siyang matalinong estudyante ay hindi niya ibinabahagi ang pangarap niya sa buhay. Ang sinasabi lamang niya ay plano niyang magtrabaho na pagkatapos niya sa high school. At ganoon nga ang kanyang ginawa.

Unang sumabak siya bilang isang crew sa isang catering service ngunit napakaliit lamang ng kanyang kinikita at hindi pa ito regular, kung kailan lamang siya kailangan ay doon lamang siya tatawagin. Kaya naman makalipas ang dalawang buwan ay iniwan ang trabahong ito ay namasukan bilang isang kasambahay.
“Namasukan ako bilang maid. Oo, katulong po, yaya. Kasambahay. Pero taas noo ako sa naging trabaho ko. Marangal yun. At masaya dun, libre na ang tulugan, libre pa ang pagkain, libre meryenda, libre tv, libre cable, at libre wifi. Saan ka pa! 

Makalipas ang isang taon ay nais niyang tuparin ang pangarap sa sarili na makapagtapos sa kolehiyo. Kaya naman siya ay naging isang working student. Mag-aaral sa umaga ngunit sa gabi ay magtatrabaho ng maigi.
Isang napakaling pagsubok ito sa kanyang buhay at sa kanyang buhay estudyante. Ngunit dahil siya ay nagpursigi at nagsipag, nakapagtapos siya sa kolehiyo. At hindi lamang iyon dahil siya ay naka-graduate bilang magna cum laude pa!


+ There are no comments

Add yours