Ibinahagi Ni Isabelle Daza Ang Kanyang Natutunang French Parenting Sa Pagpapalaki Ng Anak



Ang bawat mga magulang ay may kanya-kanyang parenting style. Ito ay kung papaano aalagaan at papalakihin ng tama ang kanilang mga anak. Bilang isang ina, ang nais mo lang ay gawin ang lahat ng tama para sa ikabubuti ng iyong anak.
Ganito rin ang nais mangyari ng aktres na ina na si Isabelle Daza.
Napangasawa ni Isabelle ang Frenchman na si Adrien Semblat, kaya naman pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak ay may dalawa siyang option kung anong klaseng parenting style ang kanyang gagamitin para sa kanilang 1 year old na anak na si Balthazar.
Bahagi ng aktress na ang kanyang mother-in-law ay maraming naibabahagi sa kanya pagdating sa French parenting. Iba kasi ang paraan nila na kung saan natututong mag-isa ang mga bata kung paano nila libangin ang kanilang sarili. 
Na-realize ito ni Isabelle nang lumabas sila at mag-outing kasama ang pamilya ng kanyang asawa. Bilang isang first time mom ay tiniyak ni Daza na may dala-dala siyang maraming laruan para sa kanyang anak upang hindi ito ma-bored. 

Bahagi ng aktres,
“I went to the beach and I had so many toys for my son. Sabi ko, ‘Oh my God, he needs to be stimulated’ ganyan, ganyan. Then I look over and I see my husband. He’s playing with his three siblings and they’re just digging a hole with their hands. Am like, ang dami-dami kong bitbit. I have a ball, I have a shovel, I have a pail. and I have all these toys. And here’s my husband and his family digging a hole and tuwang-tuwa na sila.”

Kaya naman natutunan ni Isabelle na hindi mo kailangan ng maraming bagay para ikaw ay maging masaya at mag-enjoy.
“I think Filipinos, we cuddle our children so much. Whereas the French, siyempre it’s not in their culture to have help and have yayas. So they’re a bit more relaxed. Kapag nahulog anak ko, I’m like, ‘Ha!’ but he’s like, ‘It’s okay, He’s fine’. So I think I’m learning from him how to be more chill.”

Ngunit gayunpaman, ayon kay Isabelle ay wala naman talagang tiyak na paraan kung paano papalakihin ang iyong anak. 
“There’s no right way to learn to raise a child. You just have to do your best in the best way you know how.”

+ There are no comments

Add yours