Ibinahagi Ni Kris Aquino Kung Bakit Gumagasta Siya Ng Php14,000 Kada Linggo Para Sa Prutas
Importante ang pagkain ng masusustansyang pagkain kada araw. At kung ikaw ay health conscious, tiyak na mas marami ang iyong kinakain na mga gulay o prutas dahil nakakatulong ito para sa iyong kalusugan.
Ngunit para sa Queen of All Media na si Kris Aquino, hindi lamang kakaunting prutas ang kanyang binibili kada linggo para sa kanyang pamilya. Sa katunayan, ginulat niya ang madla ng ibinahagi niya kung gaano kalaki ang ginagastos niya para lamang sa prutas sa kanilang bahay.
Sigurado na hindi naman isyu kung gaano kalaki ang ginagasta niya para sa mga healthy na pagkain basta matitiyak niya na kumakain ng healthy foods ang kanyang pamilya.
Kaya naman nang tinanong siya kung magkano ang monthly food budget ginulat niya ang mga netizens. Ang pinakamalaking parte ng budget niya para sa pagkain ay napupunta sa prutas.
Si Kris ay gumagasta ng Php14,000 kada linggo para lamang sa prutas, na kung iisipin ay napakalaki nito na parang isang buong sweldo na ng isang minimum wage worker kada buwan. Kaya naman kada buwan ay gumagastos siya ng higit Php56,000 para lamang sa prutas.
Bahagi niya, “I think sure na sure ako with the fruit budget, it’s 14,000 a week for fruits.”
Ayon sa kanya, kaya ganito na lamang kalaki ang ginagastos niya ay dahil ito sa fruit diet ng kanyang panganay na anak na si Joshua.
“Kuya has a special menu because he has acid reflux, so there are so many things that he has to avoid and yon kailangan niya talaga. He likes eating five times a day, so he has breakfast, he has lunch and then fruits for merienda, and a pick-upper.”
Bahagi pa ni Kris na mahilig talaga siya at ang kanyang anak sa prutas.
Kaya naman kung iisipin kung sa prutas pa lamang ay ganoon na kalaki ang kanyang ginagastos, paano pa kaya ang sa ibang pagkain na kanyang binibili lalo na’t mayroong 24-28 na tao sa kanilang bahay.
“In my defense, my mom taught me kasi na hindi puwedeng gutumin ang mga tao, and they’re… Pag daytime, there are about 24-28 people in the house and then night time, there are 14 of us.
+ There are no comments
Add yours