Ikinatuwa Ng Mga Netizens Ang Kilo-Kilong Mangga Na Ipinamimigay Nang Libre At Kahit Sino Ay Pwedeng Kumuha



Tuwing tag-init ay panahon ng mga mangga kaya naman sa mga oras na ito ay nagiging mura na ang bentahan. Makikita na sa bawat puno nito ay hitik ito sa bungga. Napakasarap nitong kainin lalo na kung may kasamang alamang, gawing shake, mango float, o kaya ay papakin ang hinog na bunga nito.
Labis na ikakatuwa ng mga mahilig sa prutas na ito ang ginawang pamimigay ng libreng mangga ng isang taniman sa Salcedo, Ilocos Sur dahil sobra-sobra na ang supply nila nito. 
Ibinahagi ng page na DWRS Commando Radio ang magandang balitang hatid ng isang netizen na nagngangalang Emmylou Arruejo Jomero.
Ayon kay Jomero, hitik sa bunga ngayon ang kanilang mga puno ng mangga. At dahil panahon ngayon nito, mura na ang presyo nito sa kanilang bayan sa Salcedo. Ngunit kahit na maaari pa nila itong maibenta sa ibang lugar ay minabuti nilang ipamigay na lamang ito dahil sobra-sobra na ang napipitas na mangga sa kanilang taniman. 
Naisipan nilang ilagay sa plastic bags ang mga mangga at isinabit ito sa harap ng kanilang gate. Ang nakakatuwa pa ay kahit sino ay pwedeng kumuha nito kahit mga kapitbahay man nila o kahit sinong dumadaan na gustong makatikim ng kanilang mga bunga. 
Naglagay rin sila ng signage na free para malaman ng mga dumadaan na ito ay libre. Dahil sa sobrang supply ng mangga ay naibebenta na raw nila ng sampung piso kada kilo ang mga mangga sa palengke ng Ilocos Sur. 

Kaya bago pa man masira ang mga ito ay minabuti na lang nilang i-share ang kanilang blessings. Dagdag pa ni Jomero na sa susunod na linggo ay magpapapitas muli ito para mayroon ulit silang maipamigay na free mangoes.
Samantala, labis din ang pagkatuwa ng mga netizens at nagbigay ng mga komento tungkol dito.
“Wow, that’s the true essence of sharing of blessings.”
“It is better to give than to receive. God bless the cheerful givers!”

“Hindi na ako magugulat kung next season times 2 or times 3 ang ibubunga ng mga puno ninyo. For the good Lord blesses generosity with abundance.”

Mayroong netizen din na nagbahagi na mayroon ding tulad nito ang naganap sa bansang Norway na kung saan mga apples naman ang kanilang ipinamimigay. Napakasarap isipin na mayroong mga mabubuting taong taos pusong handang mag-share ng kanilang mga blessings.

+ There are no comments

Add yours