Isang Estudyante, Hinatid ng Kanyang Tatay sa Eskwelahan Gamit ang Isang Helicopter
Alam natin na ang magkaroon ng helicopter ay isa sa mga maaring maging ari-arian ng tunay na mayaman kagaya na lamang nina Manny Pacquiao o ng iba pang mga kilalang personalidad. Ngunit paano kung mayroong isang tao na gumagamit pa di umano ng helicopter upang mahatid lamang ang anak sa kaniyang eskwelahan.
Wala naman daw intensyon ang isang lalaki sa China na ipagyabang ang kanyang yaman nang minsan niyang ihatid ang kanyang anak sa eskwelahan gamit ang isang helicopter. Ayon sa ulat ng South China Morning Post, sinabi ng lalaki na inimbitahan siya ng Fengdan primary school kung saan nag-aaral ang kanyang anak. Ito ay upang magbigay ng first-hand demonstration tungkol sa gravity of law na parte ng science and technology fair ng naturang paaralan. Ang lalaki kasi ay namamahala ng isang kompanya na nag-o-offer ng helicopter tour sa Beijing.
Anito, makakatulong sa mga estudyante na maipa-alam kung paano lumilipad ang isang helicopter, para na rin mas lumawak pa ang kaalaman ng mga ito sa theory of gravity. “I hope to give more children an opportunity to see helicopters up close, and spark an interest in aviation in some of them,” anito sa mga taong nakinig sa kaniyang leksyon.
Mabilis na kumalat ang balitang ito sa social media at mayroon pa umanong kuha kung saan makikitang lumilipad sa paligid ng paaralan ang helicopter ng lalaki. Marami ang humanga at sinabing nakakatulong nga ito para sa mga estudyante. Ngunit mayroon rin namang bumatikos rito at hindi natuwa sa ginawa ng lalaki dahil ito ay maaring isang daan lamang niya upang magyabang sa publiko.
+ There are no comments
Add yours