Isang Filipino Cable Company Ang Inireklamo Matapos Itong Magpalabas ng Pirated na Kopya ng ‘Avengers: Endgame’ sa TV




Isa sa mga pinipilahan ngayon ay ang pelikulang Avengers: Endgame. Isa ito sa pinakasikat at marmaing nanuod na Pinoy sa pagpapalabas nito sa Pinas noong Abril 24. Matapos ang mga balitang libo libo ang dumagsa sa unang sscreening nito noong unang araw ng pagpapalabas. Isang balita naman ngayon na may isang TV cable sa Zamboanga ang nagpalabas ng pirated video nito sa telebisyon isang araw matapos itong inilabas sa sinehan.
Isang TV channel sa Dipolog City, Zamboanga del Norte ang di umanoy nahuling pinapalabas ang piratang kopya ng Marvel’s Avengers: Endgame. Pinalabas ang pelikulang ito kinabukasan sa isang cable station pagkatapos itong ipinalabas sa sinehan. Malalaman mong ito ay isang piratang kopya dahil malabo ang graphics ng pelikula na kanilang pinalabas.

Dali-dali namang kinuhaan ng litrato ng mga taga hanga ng avengers at pinost nila ito sa kanilang social media accounts kung saan nalagay sa pahamak ang kumpanya. Maraming mga nag reklamo dahil napanood nila ng kaunti ang pelikula at sila ay na i-spoiled. Dahil sa reklamo ng mga netizens, tinawag ang atensyon ng may ari ng  kumpanya dahil lumabag sila sa batas ng “piracy and intellectual property”.

Sinampahan ng kaso ng mga operator ng Teatro de Dapitan ang cable company sa pangunguna ng kanilang abogado na si Atty. Chembeelyn Alpeche-Balucan. Sinasabing lumabag sa tatlong batas ang cable station sa pag palabas ng pelikulang Marvel’s Avengers: Endgame at ito ay ang mga: the Intellectual Property Code of the Philippines, the Anti-Camcording Act, and the Cybercrime Prevention Act.
Wala namang nilalabas na pahayag ang management ng cable company at piniling manahimik at tumanggi na magbigay ng kanilang depensa sa nangyaring ito.


+ There are no comments

Add yours