Isang Higanteng Lamok Na Sinlaki Ng Palad Natagpuan Ng Isang Lalaki Sa China



Maliit man ang mga lamok, ngunit napakasak!t kung kumagat. Walang sino man ang nais madapuan ng lamok dahil nag-iiwan ito ng makati at pantal-pantal sa balat. Mapanganib din ang makagat ng lamok lalo na ang mga lamok na mayroong dalang d3ngue. 
Ngunit sa bansa China, isang Chinese entomologist na si Zhao Li ang nakadiskubre ng isang higanteng lamok noong siya ay nasa isang field inspection sa Qingcheng mountain sa Sichuan Province.
Ayon sa kanya, ginugol niya ang kanyang oras upang makumpirma na ang kanyang nadiskubre ang siya ngang pinakamalaking lamok sa buong mundo.
Alam natin na ang mga lamok ay mga maliliit lamang na mga insekto, ngunit ang isang ito ay mayroong haba na 5cm at may wing span na 11.15 cm. Ibig sabihin sampung beses (10x) ang laki nito sa isang average mosquito. 
Ang mga naglalakihang lamok ay galing sa species ng holorusia mikado at tinatayang umaabot ang wing span ng mga ito sa 8cm na nadiskubre noong taong 1876 sa bansang Japan. Ngunit ang higanteng lamok na natagpuan ni Zhao ay mas mas malaki at nagmula sa Tipulidae family.
Ilang taon na ang ginugugol ni Zhao upang makakolekta ng mga ganitong uri ng insekto at sa ngayon ang kanyang nahuling lamok ang siyang pinakamalaki sa mga dating nahuli at naka-display sa mga museums.

“I confirmed it was the world’s largest mosquito around the beginning of the year. The mosquito was collected in August last year. After I caught it I quickly made it into a specimen.” saad ni Zhao, direktor ng Insect Museum sa West China sa Chengdu.

Sa ngayon, ito ay naka-display sa museum ni Zhao bilang parte ng isang exbihit tungkol sa mga kakaibang insekto.
Ngunit nagkaroon ng debate kung ang insektong ito ay talagang isang uri ng mosquito o hindi. Marami ang nagsasabi na isa itong crane fly, isang malaking lumilipad na insekto na ang itsura ay katulad ng sa lamok kaya tinatawag rin itong ‘mosquito hawk’, ngunit ang kaibahan nito ay hindi ito sumisipsip ng dug0 ng tao o hayop.
Isipin niyo na lang paano kung ganito kalalaki ang mga lamok sa ating paligid.

+ There are no comments

Add yours