Isang Matandang Lalaki na Naninirahan sa Isang Kahon, Umantig ang Kwento sa Mga Netizens




Madalas tayo ay nagpapasalamat sa ating mga nakakamit sa buhay. Minsan naman maaring naiisip natin na kung ano ang mayroon tayo ngayon ay hindi sapat, na ang iba ay talaga aman swerte sa buhay. Maaring hindi natin malaman kung ano ang mayroon tayo kung hindi pa ito nawawala sa atin. Kagaya na lamang ng isang facebook post na maaring magpaalala sa inyo nito. 
Isang facebook user na nagngangalang Xylenejoy Siarot ang agbahagi ng isang larawan ng matandang lalaki na ninirahan sa isang maliit na wooden box. Ang kahon na ito ay may plywood na pader at mga sako ng bigas sa harapan nito na nagsisilbing kurtina para sa bahay niya. Ang kahpon ay may sukat na halos 5 feet sa haba, 2 feet sat aba at halos 3 feet sa taas. 

Ang kahon na ito ay sapat lamang para sa matanda na mahiga at matulog. Ang ibabaw ng kahon ay isang piraso ng metal na maaring pumigil sa kung ano mang patak ng ulan ang manggaling sa labas. Makikita na ang matanda ay nakatira sa gilid ng kalsada na wala ni isang kapitbahay sa tabi nito. Ang matanda din ay walang extra clothes. Ibinahagi ni Xylene ang larawan na ito na umaasang matutulungan ang matanda sa pamamaraan ng social media. Sa ngayon ang post na ito ay umabot na sa 17,000 reactions, 19000 comments at ishinare ito ng 104,000 na beses.
Ang mga netizens naman ay nagbahagi din ng kanilang pagdadalamhati para sa sinapit ng matanda. Dahil dito marami din ang mga nag tag sa mga kilalang palabas sa telebisyon. Ayon pa ay Xylene ang matanda ay matatagpuan sa Baranggay Tominobo, Baryo Tabay #2, Iligan City. Ayon pa sa kaniya, ang matandang lalaki ay wala ng asawa. 


+ There are no comments

Add yours