Isang School Sa India Tumatanggap Ng Basurang Plastic Bilang Kabayaran Sa Tuition Fee
Ang pagpapa-aral sa mga bata ay napakamahal lalo na’t kung ito ay pumapasok sa isang pribadong paaralan. Unang-una ang tuition fee ang nagiging isyu rito dahil hindi naman lahat ay may kakayahan na makapagbayad ng ganoon kamahal para sa edukasyon. Ngunit buti na nga lamang at naging libre na ang edukasyon ngayon dito sa Pilipinas.
Pero sa bansang India, hindi pa rin maikakait ang problema sa kahirapan kaya ito ang nagiging rason kung bakit hindi makapag-aral ang ilang mga bata. At upang matulungan ang mga batang nais mag-aral, nakaisip ang mga guro na sina Mazin Muktar at Parmita Sarma nang isang napakahusay na ideya.
Sa katunayan, nagsimula ang kanilang ideya noong taong 2013 nang makita nila ang mga problema sa kanilang area kaya naisipan nilang gumawa ng solusyon.
Dahil dito, nagtayo sila ng isang school sa Akshar, Assam na nagbibigay ng libre edukasyon para sa mga mahihirap na estudyante. Ngunit kakaunti lamang ang nag-aattend sa kanilang eskwelahan kahit na ito ay libre. Ito ay dahil mas pinapaboran ng mga magulang na magtrabaho ang kanilang mga anak kaysa mag-aral. Ngunit paglipas pa ng nilang mga buwan ay unti-unti nang dumadami ang kanilang mga estudyante.
Nakita rin ng dalawa ang problema ng kanilang lugar sa basura partikular na ang plastic. Kaya naman nakaisip ulit sila ng isa pang brilliant na ideya.
Sinimulan nilang pinapagdala ang kanilang mga estudyante ng mga basurang plastic bilang kabayaran sa kanilang tuition fee.
At ang ginagawa nila ay nirerecycle nila ang mga ito at ginawang mga useful materials tulad ng palamuti at lampara. Ang ibang mga plastic ay kanilang ibinebenta sa junk shop upang mapondohan ang kanilang mumunting paaralan.
Napahanga nila ang mga netizens sa kanilang ginawa dahil hindi lamang nilang natulungang makapag-aral ang mga mahihirap na bata kundi na gawan rin nila ng paraan upang mabawasan ang waste pollution sa kanilang lugar.
+ There are no comments
Add yours