Jinkee Pacquiao, Muling Binalikan ang Eskwelahan Kung Saan Siya Nag-aral ng Elementarya
Si Jinkee Jamora o Mas kilala na ngayon bilang Jinkee Pacquiao ay ipinanganak sa St. Elizabeth Hospital sa General Santos City noong Enero 12, 1979 sa pamilya ni Nestor Jamora na mula sa Sarangani at Rosalina Capena na mula naman sa Leyte. Ang kaniyang nakatatandang kakambal na kapatid ay nagngangalang Janet.
Ngunit tila may pa-throwback si Jinkee Pacquiao sa kanyang nakaraan nang bisitahin niyang muli ang kanyang elementary school at lugar kung saan siya nanggaling na kaniyang binahagi pa sa kanyang social media account. Ilang larawan din ang ibinahagi ni Jinkee sa kanyang IG kung saan makikita rin na kasama niya ang kanyang kakambal at iba pa niyang kapatid na nasa eskwelahan niya noon.
Ani pa niya sa kanyang caption: “Ang sarap ng pakiramdam na makabalik kung saan ka tumira nung bata ka pa at kung saan ka nag aral ng elementary. Ito po ang school kung saan ako nag graduate ng elementary. God is good!” Sa isang post naman ay kasama nila ng kanyang kakambal ang kanilang mga kapitbahay dati. Sabi pa ni Jinkee sa kanyang caption: “Sila po ang mga kapitbahay namin. Sarap makabalik at makita kayong lahat! #saranganiprovince #sarangan”.
Kasama ring binalikan ni Jinkee Pacquiao ay ang kanyang mga paboritong pagkaing probinsya habang nasa GenSan sila. Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao. Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila. Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.
+ There are no comments
Add yours