Kain Sabay Takbo: Mga Bisita Ng Bagong Kasal Agad Umuwi Pagkatapos Ng Kainan Sa Reception



Ang kasal ay isang solemn at napaka-importanteng pagdiriwang sa buhay ng bagong mag-asawa. Iniimbitahan ang mga kapamilya at mga kaibigan upang ma-witness nila ang pag-iisang dibdib ng bride at groom. 
Minsan dahil sa habang ng preparasyon at seremonya ay di maiiwasang magutom ang mga guests kaya naman ang kanilang pinakahihintay na highlight ng pangyayari ay ang kainan sa reception. Pero kahit nasa reception na ay hindi na lamang basta-basta matatapos ang wedding celebration pagkatapos ng kainin dahil mayroon pa itong program na dapat sundin at tapusin.
Ngunit sa kasal ng bagong mag-asawang ito ay tila hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang wedding reception dahil bigla na lang nagsipag-alisan ang kanilang mga guests pagkatapos ng kainan.
Ang professional photographer na si James Balmeo ay nagbahagi sa kanyang page ng kanyang saloobin matapos makita ang ginawa ng mga guests na ‘eat and run’ sa isang wedding reception. Na-witness niya kung paano ang ginawang paunti-unti pag-exit ng mga guests sa venue kahit na hindi pa tapos ang program.
Ang mag-asawa ay naiwan na lamang na may kakaunting guests matapos nagsipag-alisan ng mga iba pagkatapos kumain. 

Bahagi ni Balmeo, napansin niya na pagkatapos maserve ng pagkain at nakakain ay umaalis na agad agad ang mga bisita.
Kaya naman inilabas na lamang niya ang kanyang saloobin sa kanyang post.
“Kasabihan din po ba sa Kasal ang pag kakain uuwi na???

Eto po ung lagi namin sinasabi na pag ka kain ng mga bisita uwian na kaagad ni hindi man lang tapusin ang program ng kasal. Ang kasal po ay hindi kainan lang kaya po kayo inimbita para masaksihan nyo ung pinaka importanteng araw ng mag asawa. Pag kakain kanya kanya ng sibatan wag naman pong ganon hindi po biro ang ginagastos ng mag asawa para mapasaya din nila kayo sa araw ng kasal nila. Tska isa pa po pahabol paki hawakan naman po ung mga bata para hindi sila nag tatakbuhan sa simbahan o sa reception. Ung isa ko pong kasama natamaan ng bata ung camera tumaob basag sira un camera sabi ng nanay ‘ay sorry po’.”
Nakakadismaya nga naman ang mga bisita na ganito. Sila na nga inimbita at pinakain hindi man lang pinahalagahan ang moment na ito para sa bagong mag-asawa. 


1 comment

Add yours

+ Leave a Comment