Kinaawaan Ang Isang Fastfood Crew Ng Makita Nila Na Naglalako Ito Ng Halo-Halo Sa Kasagsagan Ng Init



Hindi na natin maikakaila na kahit anong buwan ay napakainit na ng panahon lalo na kapag oras ng tanghali. Ang matinding init ng araw ay hindi lamang nakakapagpataas sa temperatura ng katawan ngunit ito rin ay mapanganib sa balat.
Ngunit para mapawi ang init ay patok ang mga pagkaing pampalamig tulad ng samalamig, ice cream, at halo-halo. 
Ang isang kilalang fastfood na ito ay kilala sa pagbebenta ng halo-halo sa kanilang mga customers. Ngunit naging agaw atensyon sa isang netizen ng makita niya na ang isang fastfood crew na nasa labas ng store upang mag-alok ng halo-halo sa mga dumaraang motorista.
Mas nabahala pa ang netizen dahil mismong tanghaling tapat at sa kasagsagan ng init doon naglalako sa kalsada ang nasabing crew. Inaalok raw ng crew ang mga nakahintong sasakyan habang hawak hawak ang poster ng dessert.
Inilabas ng netizen na si Utoy Onate ang kanyang saloobin sa kanyang social media account na may caption na:

Chowking Mindanao Avenue.
Ginawa nyong walking drive thru ang crew nyo. 1pm ka sagsagan ng init yung crew nyo pinag lalako nyo ng halo-halo. order for take out. bawat na hinto na kotse at na park diyan sa side ng chowking inaalok ni ate. hndi makatao ang ginagawa nyo sa empleyado nyo. Nag trabaho yan sa inyo bilang crew na nasa loob hndi para ilako ang paninda nyo sa initan. kung gusto talaga ng tao kumain sa chowking para mag take out bababa at bababa kame para bumili. na habag ako doon sa ineng sobrang init nag lalako. para nyo pinarusahan ang crew nyo. ikaw Mr. manager ikaw kaya magbilad sa araw at mag lako ng halo-halo ano kaya maramdaman mo. uminit ulo ko kahapon may hinahabol lang kami ka meeting.. sabi misis ko ireport namin.. ilang beses ko na na papansin yan maling pag trato nyo sa mga crew nyo tuwing dadaan ako diyan sa branch na yan may mga nag aalok na crew sa kainitan ng araw. mamaya dadaan ulet ako pag makita ko meron ulet ng lalako around 11am to 4pm bababain talaga kita Mr. manager. binabastos nyo ang pag ka tao ng crew ninyo. ng message na ako sa chowking philippines walang reply. kaya na pilitan na ako e post eto.

Samantala, nahabag rin ang ilang netizens dahil hindi raw makatarungan na ibilad ang mga crew lalo na’t tirik na tirik ang araw. 

1 comment

Add yours
  1. 1
    Unknown

    Alam ng lahat kng ano ang paninda nyo at alam kng saan at paano umorder. Wag nyo nman tratuhin ng ganyan, hindi na yan mka-tao. At saka, hindi yan aayaw kasi bka mawalan ng trabaho yan. Mga walang puso!!

+ Leave a Comment