Kris At Bimby Pinalabas Sa Sinehan Matapos Ipuslit Ang Anak Para Makapanuod Ng Isang Movie
Ang mga sinehan ay mayroong mga patakaran na dapat sundin lalo na sa uri ng palabas. Bawat pelikula na ipinapalabas sa mga sinehan ay sinusuri muna Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at binibigyan ng mga ratings upang malaman kung sino bang mga audience ang naaangkop manuod nito.
Halimbawa, ang pelikula na rated G ay angkop para sa lahat ng edad. PG rating naman kapag ang mga viewers ay 13 taong gulang pababa ay dapat na mayroong kasamang magulang o supervising adullt. Kung R-13 naman na palabas ay mga viewers na 13 years old pataas lamang ang pwedeng makapanuod.
Ngunit ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay lumabag sa patakaran ng isang sinehan dahil sa pagtangkang pagsama sa anak na si Bimby sa panunuod ng isang R-13 na pelikula na “Kuwaresma” na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.
Ibinahagi ni Kris sa kanyang post ang plano sana niyang manuod kasama ang kanyang anak sa kauna-unahang h0rr0r movie ng Megastar. Sa katunayan, nasa loob na sila ng sinehan at halos 30 minuto na ang nakalipas nang bigla silang nilapitan ng isang cinema staff.
Pinaliwanag nila ang patakaran at humingi ng paumanhin na kailangan silang palabasin dahil sa nagawang pagkakamali sa pagpuslit kay Bimby.
Pahayag niya sa kanyang unang post,
“You know how some people can get away with like literally big cr!m3s and they get a free pass, and some people like yours truly attempt to bend the rules just a teeny tiny bit and automatically get caught.”
Sa pag-aakala ng aktres ay maipupuslit niya ang kanyang anak dahil matangkad naman ito at baka sakaling hindi mapansin na wala pa siya sa edad na 13 taong gulang.
“Since Bimb is so tall, Rochelle said hindi na mapapansin and Bimb and I really wanted to watch @reallysharoncuneta’s movie.”
Ngunit dahil sila ay isang personalidad at marami ang nakakakilala sa kanila, hindi naging matagumpay ang kanyang planong panunuod kasama ang anak.
“Unfortunately we’re famous and a lot of people know Bimb is only 12 and they didn’t want to get in trouble with the MTRCB. No excuses, mali kami for trying na ipuslit si Bimb- but the reality is in a few months time he’ll be able to watch Kuwaresma through Video on Demand.”
Aminado naman ang aktres sa ginawang pagkakamali at tinanggap naman niya ito. Kaya naman sumunod na lamang sila sa patakaran ng movie house at lumabas sa sinehan.
YONG MISMONG OWNERS NG SINIHAN DAPAT MAGLAGAY NG NOTICE SA LABAS….ANO BA KAYO IT IS NOT FAULT BY KRIS KULANG KAYO SINASABING NOTICE TO THE PUBLIC AWARENESS…GETSSS…?????
CITIZENS KNOWS ABOUT RULES AND REGULATION BUT CLARIFY IT INFRONT NOT HIDING SO THAY PEOPLES CAN UNDERSTAND…NEXTIME OOOKKK