Lalaking Nagtitinda ng Ice Candy Para Matustusan ang Pag-aaral, Nakapagtapos bilang Cum Laude
Lumaki blilang isang mahirap, alam ni Joel Quitariano ang pakiramdam ng walang pamilya at pera para pang bili ng pagkain sa araw araw. Dahil sa kahirapan, lumaki si Joel sa isang bahay ampunan. Dahil dito, sa kanyang murang edad, nangarap siyang mag aral at makapag tapos sa kolehiyo ng isang bachelor’s degree para makakuha siya ng magandang trabaho at magkaron o mamuhay ng mas mabuting buhay.
Ang bahay ampunan ay tahanan ng madaming mga bata at alam ni Joel na hindi niya dapat iasa sa ampunan ang kanyang pang araw araw na gastusin. Dahil dito, nakahanap siya ng paraan upang masuportahan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag bebenta ng ice candy. Dahil sa kanyang sipag sa pag bebenta ng mga ice candy, napag paaral ni Joel ang kanyang sarili. Madaming nakilala si Joel sa pag bebenta ng kanyang ice candy at di kinalaunan ay naging suki na niya ang mga ito. Nang dahil sa pag bili at pag tangkilik sa produkto ni Joel, nakapag tapos ang binata sa kolehiyo.
Nang nakita niya na parami ng parami ang kanyang mga suki, nakabili si Joel ng refrigerator sa pamamagitan ng kanyang ipon upang mapabuti ang kanyang negosyo. Sa awa ng Diyos, napalaki ni Joel ang kanyang negosyo at noong nakaluwag luwag na siya, naisip niya na mag ampon ng bata sa ampunan. Dahil alam niya na mahirap lumaki sa bahay ampunan, nag ampon si Joel para makatulong kahit man lang sa buhay ng isang bata.
Dahil dito, maraming mga netizens ang humanga sa ginawa ni Joel at nag viral pa ang kanyang kwento sa social media. “Hindi naman dapat ikahiya ‘yung pagiging working student kasi basta’t marangal ‘yung ginagawa mo,” ika niya. Madami din ang namangha sa galing at talino ni Joel dahil nakapag tapos siya ng Cum Laude sa kursong Public Administration kahit na marami siyang problemang pinansyal, sa pag babalanse ng kanyang oras bilang isang estudyante, at sa pag aalaga sa kanyang inampon na lalaking anak.
+ There are no comments
Add yours