Liza Soberano Kumuha Pala Ng Electrical At Welding Course Noong High School



Marami ang humahanga kay Liza Soberano dahil sa kanyang magandang mukha at husay sa pag-arte. Kaya hindi naman maikakaila kung bakit isa siya sa mga young celebrities na mabilis sumikat. 
Ngunit pinatunayan ni Liza na sa kabila ng kanyang mala-dyosang kagandahan ay naranasan rin pala niyang madumihan ang kanyang mga kamay at masubukan ang mga trabahong panlalaki noong siya ay nasa high school pa lamang. 
Sa isang segment ng show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice ay nag-guest si Liza at ang kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil. Dito ay napagusapan nila ang naging karanasan noon ni Liza noong nag-aaral pa siya. 
Naibahagi ni Vice ang kanyang college life experience na dati ay sinubukan niyang mag-take ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test) ngunit hindi niya ito tinuloy. 
Saad ni Vice, “Nag-exam ako dun dati, pumasa ako pero di quota course. Ang pinasa kong course welding, eh hindi ako gaanong interasado.”


Dito ay na-excite si Enrique at pinakuwento niya ang ‘welding story’ ni Liza.
Bahagi ni Liza, “First year high school nag-aral po ako sa Pangasinan, per quarter po may ibang course na kailangan so yung first sem ko, welding.”

Nang tinanong ni Vice kung bakit daw welding ang kinuha niya, sagot nang aktres na, “Ayoko kasi ng dressmaking.”

Masayang ibinahagi pa ni Liza na gumawa siya noon ng “ihawan” na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin daw nila.
“Nag-welding ako, gumawa ako ng grill, ginagamit po namin yung hanggang ngayon. Yung grill pangluto, gumawa po ako, stainless steel pa po yun, tapos nag-electrical din po ako.”

Hindi rin makapaniwala si Vice na papaano kung ang isang Liza Soberano ay naging isang electrician. 
“Ang taray siguro kung electrician mo sa bahay si Liza Soberano.”

Napahanga naman ang mga netizens dahil kahit na napakaganda ni Liza ay makikita na wala siyang ka-arte arte sa katawan.

+ There are no comments

Add yours