Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW
Trabaho ng mga security guard na panatilihin ang peace at order sa isang establisyemento. Sila rin ang naatasan upang bantayan ang seguridad ng mga tao.
Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nakalaglag ng malaking halagang pera sa airport ng NAIA Terminal 1 na nagkakahalaga ng Php500,000. Buti na lamang ay mayroong isang magiting na security guard na nandoon na nakapulot ng malaking halagang pera at saka isinauli ito sa nagmamay-ari.
Sa panahon kasi ngayon, napakarami ng taong manloloko. Lalo na sa ganito kalaking halagang pera, hindi maiiwasan na mayroong nasisilaw at natutukso na angkinin na lamang ito lalo na kung ito ay nawala at natagpuan.
Kinilala ang magiting na sekyu na nagsauli ng pera na si Danny Namion ng Advance Force Security.
Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ng mga security guard kada araw ngunit hindi pa rin niya pinagtangkaang angkinin na lamang ang perang kanyang napulot. Kung tutuosin, malaking bagay na sana ang maitutulong nito sa kanya ngunit hindi siya nagpakasira ng dahil sa pera hindi tulad ng ibang tao.
Dahil galing sa mahirap na pamilya, minsan ay hindi na nga siya kumakain ng kanyang tanghalian dahil wala itong pambili. Mayroong oras pa na nanghihiram na lamang si Namion ng Php100 sa kanyang mga katrabaho para lang may pambayad sa kanyang pang-gastos araw-araw.
Kahit na hindi sapat ang kanyang paghahanap buhay bilang isang security guard, ay hindi ito naging dahilan sa kanya upang gumawa siya ng masama sa kapwa at hindi ibalik ang natagpuang pera sa airport. At kung kukunin niya man ang perang ito ay siya ring makakapagpatanggal sa kanya sa kanyang trabaho.
Nang maibalik ni Namion ang pera sa may-ari ay binigyan siya ng pabuya na $300 o higit kumulang Php15,000. Para sa mabait na sekyu ay napakalaking bagay na ito dahil makakatulong ito sa kanyang pang-gastos.
Samantala, nagviral naman ang kanyang ginawa sa social media kaya hindi napigilang purihin siya ng mga netizens dahil sa kanyang pagiging matapat at sa pagsisikap sa kanyang trabaho.
Good jod po kuya..
Mabuti pa so kuya ohh
Good job Po sana maram
Good job Po sana marami pang security na kagaya nyu