Matapat Na Estudyante Ibinalik Sa May-ari Ang Natagpuan Niyang Palutang-lutang Na Case Na May Lamang Mamahaling Gamit



Bibihira na lamang ngayon ang mga taong nakakatagpo ng mga nawawalang gamit at ibinabalik pa ito sa may-ari. Ngunit ibahin ang isang estudyanteng ito na mas piniling gawin ang tama at maging matapat matapos niyang makatagpo ng isang Pelican case na naglalaman ng mga mamahaling gamit.
Ang 20 year old na estudyante na si Nichol Tagudin ay pumunta sa laot kasama ang kanyang ama upang sila ay mangisda sa Guimaras Sea. Ngunit laking gulat nila ng matagpuan nila ang isang Pelican case na palutang-lutang sa tubig.
Ayon sa estudyante, noong binuksan nila ang case ay hindi niya inaakala na matatagpuan nila ang mga mamahaling gamit tulad ng iPhone XS Max 256GB, isang power bank at iba pang mahalagang kagamitan.
Ngunit imbes na pagkainteresan ang mga mamahaling gamit na ito, ay mas pinili niya na gawin ang tama at ibalik ang mga ito sa tunay na nagmamay-ari.
Nang makabalik sila sa lupa ay agad niyang hinahanap ang may-ari ng mga gadgets na ito. At napag-alaman nila na isang 14 taong gulang na bata ang nagngangalang Ethan Atienza ang may-ari ng mga ito. 

Si Atienza ay nakasakay sa kanyang jet ski galing sa Lakawon Island, Cadiz City papunta sa Manapla, Negros Occidental ng malawan ng kontrol ang kanyang sinasakyan at siya ay nalaglag sa tubig. Hindi niya na napansin na ang kanyang Pelican case ay nahulog din at naiwang palutang lutang sa dagat. 
Halos 50 miles ang nilakbay ng kanyang case at makalipas ang anim na araw bago natagpuan ito ni Tagudin. Ngunit laking pasasalamat pa rin ng may-ari dahil napunta ito sa mabuting kamay at naibalik pa sa kanya. 
Pumunta ang ama ni Atienza sa Guimaras upang kitain si Tagudin at pasalamatan sa pagbabalik ng case ng kanyang anak. Dahil dito binigyan si Tagudin ng reward na Php11,000 at inoferan ng trabaho noong nalaman na naghahanap ito ng mapapasukan. 
“Your school, your parents, your friends and everyone around you is very proud of you! Thank you Nichol! And to your proud parents FLORENCIO TAGUDIN JR. and VICKY TAGUDIN you raised your son very well, God Fearing and again, Honest! Thank you and may God Bless You Always!” caption ng ama ni Atienza sa kanyang post.
Samantala, pinuri din ng mga netizens ang estudyante sa kanyang pagiging mabait at matapat. 

+ There are no comments

Add yours