Nadismaya Ang Isang Bus Company Sa Kanilang ‘Honesty System’ Dahil Maraming Taong Nanloko At Hindi Nagbayad Ng Pamasahe
Napakaganda siguro kung ang lahat ng mga Pilipino ay magiging tapat sa anu mang bagay. Ngunit sa panahon ngayon, mahirap na talagang magtiwala dahil marami na ang mga taong manloloko.
Isang bus company ang nagpatupad ng ‘honesty system’ sa kanilang mga pasahero. Na kung saan wala nang konduktor na maniningil ng bayad sa mga pasahero dahil kusang mga sasakay ang maghuhulog ng kanilang pamasahe bago maka-upo sa loob ng bus.
Ang honesty system na ito ay ipinatupad ng Green Frog Hybrid Bus Company. Ngunit di nagtagal ay kinansela na ng kumpanya ang kanilang policy na ito dahil maraming mga pasahero ang hindi nagbabayad.
Ang nakakadismaya pa ay isang linggo lamang ang tinagal ng honesty system na ito dahil hindi nagiging matapat ang mga Pilipino.
Inanunsyo ng bus company na out of 100 percent, higit 30 percent ng kanilang mga pasahero ay hindi nagbabayad. Kaya naman makalipas ng isang linggo ay binawi na ng kumpanya ang kanilang patakaran at ibinalik na lamang ang kanilang ‘conductor system.’
Sa page ng Green Frog Hybrid Bus Company, nagbahagi ito ng isang pahayag sa kanilang pagkakadismaya as mga manlolokong pasahero.
“END OF HONESTY SYSTEM: We are disappointed to see that the honesty system did not work. We applaud the 70% that paid their fare. BUT 30% of the passengers did not pay their fare. We are returning to the conductor fare collection system again.”
Bago magsimula ang honesty system na ito, inanunsyo ng kumpanya ang patakaran na sa kanilang ‘no conductor system’ ay kailangan lang ng mga pasahero na bumili ng mga tap cards o maghulog ng eksaktong pamasahe sa payment box sa oras na pagsakay ng bus.
Sinabi pa ng Green Frog na ito na ang sistema sa ibang bansa kaya naman nais din nila itong mapatupad dito sa ating bansa.
Ngunit dahil sa hindi pagiging tapat ng ibang mga Pilipino ay naging ‘epic fail’ ang kanilang sistema na kung iisipan ay maganda sanang ideya. Kaya naman kinansela na ang ‘honesty system’ at balik na lamang sa tradisyunal na pamamaraan na paniningil ng bayad ng konduktor.
+ There are no comments
Add yours