Nakakabilib Ang Masipag Na Estudyanteng Ito Nang Mairaos Ang Kanyang Pag-aaral Dahil Sa Pagbebenta Ng Lumpia



Pinatunayan nang isang estudyanteng ito na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang mga pangarap. Upang makaraos sa kanyang pag-aaral, minabuti niya na magbenta ng lumpia upang may maipanggagastos sa kanyang pag-aaral ng high school.
Insipirasyon ngayon ang masipag na estudyanteng si Jason Codera na nag-aral sa Davao City National High School.
Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Jason sa hirap ng buhay kaya kinailangan niyang maghanap buhay habang nag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya. 
Ang kanyang ama ay isang tricycle driver at alam niya na hindi sapat ang kinikita nito upang masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na’t anim silang magkakapatid.
Upang mapagaan ang bigat na dinadala ng kanyang ama at mabayaran ang ibang gastusin sa eskwela, ay nagdesisyon si Jason na magbenta ng mga kendi noong siya ay nasa junior high school pa lamang. 
Pagtuntong niya sa senior high school ay doon at nakilala siya sa pagbebenta ng lumpia upang mas lumaki ang kita. Sa paraang ito, malaki na ang naitutulong ng kanyang kinikita sa kanilang pamilya kaya iniipon niya ito upang makapag-aral ng kolehiyo dahil nais niyang makakuha ng kursong hotel and restaurang management. Siya na rin ang nagbibigay ng baon sa isa sa kanyang mga kapatid. 

Araw-araw ay nagdedeliver ang kanyang supplier ng lumpia sa kanialng paaralan upang maibenta ito ni Jason sa kanyang mga kaklase at mga guro. Sa bawat 500 piraso ng lumpia na kanyang nabenta ay kumikita siya ng Php1,000.
Bukod sa kanyang pamilya ay ipinagmamalaki rin si Jason ng kanyang mga guro dahil sa kasipagan at pagiging matulungin ng batang ito. At dahil sa lumpia ay nairaos niya ang kanyang pag-aaral sa high school at nakapagtapos ng senior high.
Napaka-responsableng bata ni Jason kahit sa kanyang murang edad kaya naman siya ay hinahangaan ng marami. Dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon sa buhay ay hindi imposible na maaabot niya ang kanyang pangarap.

+ There are no comments

Add yours