Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain



Napakaraming misteryong nababalot ang ating mundo. Isa na rito ay ang mga sinaunang hayop na nanirahan sa ating mundo noon tulad ng mga dinosaurs na naging extinct na ngayon.
Isang kakaibang tila hugis na higanteng itlog ang nadiskubre ng isang farmer na si Jose Antonio Nievas isang araw habang siya ay nagtatrabaho sa kanyang lupain sa isang maliit na komunidad ng Carlos Spegazzini sa Buenos Aires. 

Noong una ay hindi pa naman talaga ito halatang hugis itlog. Nakita lamang niya na tila mayroong kakaibang bagay na nakatago sa batis ng kanyang lupain. Dahil na-curious siya kung ano ito kaya niya ito binungkal mula sa lupa. 
Dali-dali naman niyang tinawag ang kanyang asawa at ilang kaibigan upang siyasatin nila kung ano nga ba ang kanyang nadiskubre. 
Matapos nila itong nalinisan ay nagulat sila na ang higanteng tila hugis itlog ay mayroong mga scales na itim at may bahid na berdeng kulay. 

Dahil hindi nila matiyak kung ano nga ba ang bagay na ito, humingi sila ng tulong sa mga awtoridad. Nagulat rin ang mga pulis dahil sa pagkaka-alam nila na hindi ordinaryo ang nadiskubre ni Jose. Kaya minarapat nilang tumawag ng isang grupo ng mga archaeologists. 
At batay sa kanilang pagsusuri, isa itong shell ng isang malaking ancient animal. Hindi rin naigalaw ng grupo ang nasabing shell dahil tinatalang nasa dalawang tonelada ang bigat nito. 
Kinumpirma ng paleontologist na si Alejandro Kramarz ng Bernardino Rivadavia Natural Sciences Museum na ang fossil na natagpuan ay shell ng isang ancient glyptodon, isang sinaunang hayop na mayroong matigas na shell sa kanyang likuran katulad ng mga armadillo. At tinatayang ito ay 10,000 years old na. 

Sa katunayan, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na may naka-diskubre sa ancient mammal na ito. Noon pa ay mayroon na ring mga nakitang kaparehong fossils tulad nito sa mga kalapit na lugar na iyon at ngayon ay nasa mga museums na. 


9 Comments

Add yours
  1. 4
    Unknown

    lahat ng mineral na yaman na makikita kahit sa property mo pa nahukay yan ayon aa international law na 10 pursyento lang na bahagi yan ang mapupunta sa may ari ng lupa, ang 90 pursyento ay mapupunta sa gobyerno dahil yan ay tinuturing na likas na yaman ng bansa

+ Leave a Comment