Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings



Maraming kayamanan ang nakatago sa buong mundo. Isa na rito ay ang mga kayamanan na naiwan ng mga sinaunang tao.
Marahil luma na ang mga ito, ngunit ang presyo naman ng mga artifacts na ito ay napakamahal. Kaya naman marami ang mga archaeologists na patuloy na nananaliksik ng mga fossils at artifacts upang ma-trace ang mga sibilisasyon noong unang panahon. 
Ang metal detectorist na si Derek McLennan ay naka-jackpot nang makatuklas siya ng mga mamahaling 10th century artifacts sa isang lupain ng isang simbahan sa south west ng Scotland. 
Ang kanyang nadiskubre ay ang pinakamalaking treasure haul ng mga ancient Vikings na halos inabot siya ng higit isa’t kalahating taon sa paghahanap sa lugar ng Dumfries at Galloway.
Ang mga kayamanang kanyang natagpuan ay binubuo ng higit isang daang artifacts na karamihan dito ay kakaiba. Mayroong mga iba’t ibang uri ng silver bracelets, gold ring, ancient coins, brooches, ingots, gold bird shaped pin, crystals, pottery jars, medieval cross at iba pang mga alahas. 
Ayon sa mga eksperto, ang malaking pottery jar na ito ay tinatayang 1,200 years old na at mayroong pang mga lamang nga ancient coins na mayroong ding halaga. 

Ipinasa naman ni McLennan ang kanyang mga nadiskubre sa Queen’s and Lord Treasurer’s Remembrancer na si David Harvie. Siya ang taong responsable sa mga treasures na nadidiskubre sa kanilang bansa. At ayon sa kanya, ang Vikings hoard ang isa sa mga pinakaimportanteng kayamanan na nadiskubre sa Scotland. 
Ang mga ancient Vikings treasure na ito ay ilalagay sa National Museum of Scotland para ma-ipreserba at ma-idisplay sa publiko. Samantala, si McLennan naman ay dapat na makakatanggap ng kabayaran na higit 2 Million Dollars para sa kanyang matiyagang paghahanap ng mga ito. 
Ayon naman sa metal detectorist, isa itong karangalan at pribilehiyo para sa kanya dahil natagpuan niya ang mga makasaysayang kayamanan na ito na makikita na ng buong mundo. 

+ There are no comments

Add yours