Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong ‘Honesty Test’ Sa Kanya
Minsan ang ibang mga amo, upang mapatunayan nila na ikaw ay tapat at hindi magalaw ang kamay ay sinusubukan nila ang kanilang mga katulong o kasambahay. Sila ay nagsasagawa ng isang ‘honesty test’ na kung saan masusubok ang pagiging matapat mo sa kanila.
Ang katapatan o trust ay napakagalagang bahay lalo na kung ibang tao ang iyong kasalamuha lalo na’t maraming tao na ang manloloko at hindi mapagkakatiwalaan.
Isang OFW domestic helper ang nagbahagi ng isang karanasan matapos niyang makatagpo ng isang bundle ng pera habang naglilinis siya ng bahay ng kanyang amo.
Sa kanyang post, ibinahagi niya na ang kanyang amo ay inutusan siyang maglinis ng bahay noong nakaraang linggo. Ngunit nagawa lamang niya ito noong araw na mismong natagpuan niya ang pera.
Mapapansin na isang bundle ng foreign money ang nakasingit sa isang sulok. Ngunit kahit na ito ay nagkakahalaga ng malaki, ay hindi sumagi sa isipan ng domestic helper at pinagtangkaang kunin ito.
Bahagi niya sa kanyang post sa isang Pinoy OFW group sa Malaysia:
“Pa post po admin.. share ko lang. sabi ng amo ko last week simulan ko na daw mag linis. Pero ngayon lang ako mag lilinis tas ito makikita ko sa taas, ano to pain? lah! di ako nasisilaw. may sahod naman ako, padaanan ko lang ng basahan yan.”
Sa mga salitang binitawan ng domestic helper ay mukhang hinayaan na lamang niyang nandoon ang pera kung saan niya natagpuan. Dahil ang duda niya ay baka sinusubukan lamang siya ng kanyang amo kung masisilaw ba siya sa pera at kung kukunin niya ito.
Ngunit buti na lamang at walang intensyons masama ang domestic helper.
Sagot naman ng ibang netizens sa kanya na sana ay kinuha niya ito at ibinalik sa kanyang mga amo upang malaman nila na wala talaga siyang balak kunin ang pera. Samantala, ang iba naman ay nagsabi na tama lamang na hinayaan niyang nandoon lamang ang pera upang malaman ng kanyang mga amo na wala siyang ginalaw doon.
Ano na gyar after?
Ano ngyare?
pinaalis na sya ng amo…. ksi wala daw silbe d ibinigay sa amo ung nakuhang pera ….hinde pla ito sa amo nya …hahaha
Sana po kinuha na lang nya at binalik sa amo. Paanu po kung may kumuhang ibang tao at ibintang po sa kanya.
sana kinuha nia ito at ibigay sa amo ng saganon ay maslalo pang magtiwala ang kanyang amo sa boong pilipino
Hai naku never ko kukunin yan. Lalo pa pera. Imposibleng namang dumikit ang pera dun. Buti sana kung sa sahig pag ganun pulutin mo at ilagay sa table tapos ipaalam sa ako. Malamang may purpose bat andun yun.
Naging ofw din ako sana binigay nia ang pera katunayan din po yon na naglinis sia kasi iisipin if honesty test po yon iisipin ng amo kaya siguro hindi napansin yong bundle of money kasi hindi sia naglinis ng bahay opinion ko lang po yon bilang ofw
nakulong po 🙁
Ako naman nkita jo nasa sobre nkaipit sa mga curtains sbi ko sa amo ko i have ssen the money you kept together with the curtains. Kc bk may cctv makita doon na ginalaw ko yung mga curtains so mas mbuti alam na nila pero sabi ko i never touched the envelope
pero sinabi mo i never touched the envelope,you can count the money inside,it's still complete no more no less,us $30,755 ?
nakakita din aq Nyan hnd ringgit kundi USdollars isang bundle din tig 1k nsa ibabaw ng kama nla….. hnd q ginalaw…. kc mghapon aq lng andon tas pg tawag ng amo q sinbi q nakita Q
they lived happily ever after. The End
Base on my experience po kasambahay din ako for almost 2yrs.
Marami na akong beses naka experience sa amo ko yung pera nila minsan naka tiwangwang sa lamesa o sa mirror desk nila at once maglilinis ka nasasayo yun kong kusa mo ibigay sa amo yun or hayaan mo nalang jan kong saan mo nakita or ilagay mo sa isang place namabilis makita sa amo mo kasi minsan sa amo natin is tatak sa isip nila kong magkano yung pera naka lagay doon kaya nga be careful tlaga wag masilaw sa pera kasi kapag nasilaw ka buhay mo ang manganganib jan….kaya mas mabuti pang maging honest kaysa hindi ………..
Dapat ipinakita niya sa amo niya para malaman ng amo na nakita niya ang pera habang. Kung pinabayaan lang niya ang pera maaring isipin ng amo na hindi siya maayos maglinis kaya di niya ito nakita.
Sayang bonus na sana yun. Kung nilinis niya din kung saan niya nakita ang pera at sinoli niya, baka binigay pa ng amo niya yung perang nakita niya… Be vigilant and be wise din…
Related ako dyn ngpalinis ng carpet inilgay isang bugkos na pera sa ilalim ng carpet binalik ko. Kc alm nila malapit na uwi ko kla nmn nila itatago ko pgiinteresan. binigay ko kagad sa kanila. Pgkakita ko cnbi may nakita ako pera sa ilalin ng carpet ibinigay ko kagad sa kanila.
Thats true dapat kinuha nya tas binigay nya sa amo nya .. kac ang utak ng ibang lahi lalo n sa bbsang middle east .. kaya hnd nakta .. hndi k nglinis .. pero kung kinuha mo at binigay mo sa amo m that is what we called honesty kac ngyare dn yn sakn sa mga damit ng amo q. binigay q sa knl maliit man o malki halaga
Sana pakyu kayong lahat mga bobo
Meron na bang tig 1k na USdollars?
AQ dn DTI s amo q s Oman pinaglinis AQ s kwarto ng amo q iniwang bukas ang vault.AQ lng ang tao iniwan NLA AQ mag isa.d q in pinansin at gang matapos AQ maglinis cnara q nlng ung pinto.pro nag chat AQ s amo q n naiwan nyang bukas ung vault.xe nagtrabaho xa DAT tym..wla man AQ makita CCTV pro Alam q s taas nkkita nya kung mabuti ka ng tao o hnd.OK nmn mga amo q dun buong twala cla skin bagkus madalas p q bigyan ng bunos.pamilya n turing skn dhil dn s maayos n pagttrabaho at pag aalaga sknla.
Nangyayari din yan sa sken,pero d ko kinukuha yong pera,,minsan nasa ilalim ng flower vase….after 2 days pupunasan ko ulit,wala na yong pera….nang tumagal na ako dun,,wala na akong perang naki2ta kahet saan….
OFW din ako sanay ako makakita ng mga pera at alahas sa bahay ng amo ko,depende po yan sa situation, kong nakikita.mo sa part ng bedroom whag mo galawin yan for your safety kasi minsan lalo na pg sa middle east maraming masasamang employer pag galawin mo yan kahit intention mo ibalik, baka mamaya ikaw pa mapapasama kaya inform nyo nlng amo nyo my nakita kang pera doon at least nagiging honest ka at kong palabintang man amo mo at sabihin ngkulang ang pera na yon at least safe ka kasi kong magkaroon man ng accusation walang finger prints or any evedent na may ginalaw ka at kong may camera man safe ka pa rin..pero pag sa mga labahan, sa bulsa pwde mo kunin at ibigay personally, kong my fon ka picturan mo muna bago mo ibigay
Dapat kinuha at binalik sa amo pinain yan para makita ng amo kung talagang naglinis siya kasi kung di ginalaw ang pera ibig sabihin di siya naglinis ng maigi ni hindi pinunasan sa bandang may pera eh.lol
Mas mabuting hindi nya hhwakan un pera para s knyang proteksyon.hindi mo alam kung may video at makkitang kinuha mo at di nmn nkikita s video n iaabot mo s amo mo..bka pangblack mail lng s iyo un.. pwede pang mag iiwang mark ng finger print mo dun.there some amo n ggwan k ng problema para may panghahawakan sila n panakot s iyo
Dont trust your amo kasi di mo parin alam ang ugali nila
Ganun din sila s iyo wla silang tiwala kya gngw nila un honesty test at di mo rin alam kung test lng un or ggwan k ng issue or panakot..benefit of a doubt..
Mas maayos n hwag mo hawakan at iwan mo lng dun ang pera pero need mo inform s amo mo n may nakita kng pera at di mo ginalaw at iniwan mo lng dun..
In that case your both safe and you showed that your honest..