Pinoy sa Canada, Nadiskubre ang ‘Giant Pearl’ na Pamana ng Kaniyang Lolo na Nagkakahalagang $90 Million




Nakasanayan na nating mga Filipino ang mag bigay ng pamana habang tayo ay tumatanda. Isa dito ang pamilya ni Abraham Reyes na nag mamay-ari ng isang puting hugis ngipin na bato. Kwinento niya na ito ay napag pasa-pasahan na ng iba’t ibang Henerasyon at galing ito sa kanyang lolo. Ibinahagi din ni Abraham na natagpuan ito ng kanyang lolo sa isang higanteng kabibe noong nag tatrabaho pa ito bilang mangingisda noong taong 1959. Kamakailan lamang, nalaman ng kanyang pamilya kung magkano ang katumbas ng malaking bato na ito. Ito lamang ay nag kakahalaga ng $90 million o Php 4.73 billion! Wow!
Nakatira ang pamilya ni Abraham sa Ontario Canada, walang paki-alam ang kanyang pamilya sa batong ito dahil akala nila na wala naman itong halaga. Ang alam lang nila ay ito ay galing sa kanilang lolo mula sa Pilipinas at hindi rin naman ito mukang perlas dahil sa laki nito. Marami saatin ang naniniwala na ang mga perlas ay maliliit lamang at hugis bilog lamang. Kaya naman ang isang malaking hugis ngipin na bagay na ito na may bigat na 27.65 kg ay isa lamang pang disenyo sa kanilang bahay. 

Noong nalaman ni Abraham na galing ito sa isang malaking kabibe mula sa Palawan, nag ka-kutob siya na ito ay isang malaking perlas. Kaya naman dali dali niyang pinasuri ang kanilang namana na bato sa Gemological Institute of America sa New York City. Nagulat ang binata na ang batong kanilang namana mula sa kanilang lolo ay umedad na ng isang libong taon! Sinabi din ng mga eksperto na ang perlas na ito ay may halaga na $90 million at nahigitan pa ang sikat na Pearl of Lao Tzu na natagpuan din sa ating bansa sa probinsya ng Palawan noong 1939.
Maliit man ang kanyang perlas kung ikukumpara ito sa “Pearl of Puerto Princesa”, kahanga hanga naman ito dahil malapit na niya itong mahigitan ang kilalang pianaka mabigat at malaking perlas sa buong mundo. Pinangalanan ni Abraham ang kanyang perlas bilang “Giga Pearl” at nilagyan pa niya ito ng hugis octopus na lalagyan gawa sa 22 karat na ginto.


+ There are no comments

Add yours