Pinuri Ng Isang Guro Ang Matapat Na Jeepney Driver Matapos Isauli Sa Kanya Ang Kanyang Bag Na Naiwan Sa Jeep
Napakahirap makawala o makaiwan ng gamit lalo na kung ikaw ay nasa pampublikong lugar o sasakyan. Dahil sa dami ng mga taong hindi tapat sa kapwa, mataas ang tiyansa na hindi na makakabalik sa iyo ang iyong nawalang gamit.
Ngunit para sa isang senior high school teacher sa Gates Professional School na si Ericko Alegria, tila siya ay naging maswerte pa dahil naibalik pa sa kanya ang kanyang bag na naiwan niya sa isang jeep na kanyang sinakyan.
Base sa Facebook post ni Alegria, nagpatulong siya sa mga opisyal ng Calumpang, Marikina na kahit na 10pm na ng gabi ay hindi sila tumangging tulungan siya upang ma-view nila ang mga CCTV cameras upang matunton ang jeep na kanyang nasakyan.
Noong ipinost niya ang kanyang concern sa social media ay mayroong mga taong nagbigay ng detalye na makakatulong sa kanya. Nagpasalamat rin siya sa mga taong nag-PM sa kanya upang makontak ang driver ng jeep. at sa mga taong tumulong na maghanap ng bahay ng driver.
At sa banda huli, nang matunton na nila ang bahay ay napag-alaman nila na ang matapat na driver ay si Edgardo Dela Cruz.
Pinuri ni Alegria ang driver dahil itinago nito ang gamit ng guro at saka ibinalik sa kanya ng buong buo.
Narito ang post ni Alegria,
“Maraming maraming salamat po sa mga taong tumulong po sakin para maibalik po ang aking mga gamit. nagpapasalamat po ako kay tatay EDGARDO DELA CRUZ, ang driver ng jeep, na nagtago at nagbalik sa aking mga gamit. Napakabait talaga ni tatay, very approacheable, at pinasakay pa kami sa kanyang jeep para makapunta sa kanilang bahay at makuha ang aking mga gamit, at sinamahan din kami para makasakay pauwi. Maraming maraming salamat din po sa PASAHERO na di nagdalawang isip na isurrender ang gamit kay tatay.”
Buti na na lamang at napunta sa mabuting kamay ang mga naiwang gamit ni Alegria dahil kung hindi ay hindi na ito maibabalik pa sa kanya.
+ There are no comments
Add yours