Punong Itinanim Mula pa sa Japan noong 2015, Namunga na ng Cherry Blossom sa Benguet!




Marahil marami sa atin ang aware sa atin na ang bansang Pilipinas ay nasa Tropical, kaya naman hindi natin nararanasan ang pagkakaroon ng 4 na weather tulad na lamang ng Winter, Spring, Summer o Fall na maaring naririnig ninyo sa mga karatig bansa tulad na lamang ng Korea, China at Japan. Ngunit paano kung ang spring at sakura season ay maaring maranasan na dito sa Pilipinas? Maaring makakita na ng tunay na Cherry Blossom ng hindi na kinakailangan pang lumipad sa ibang bansa upang maranasan mo ang tinatawag na spring season o sakura season.
Hindi mo na kinakailangan pang pumunta sa Japan upang makita ang mga Sakura flowers! Noong 2016, mayroong 40 Japanese Sakura trees ang naitanim at humigit na 100 ang itininanim noong 2015 sa Paoay, Atok, Benguet. Marami sa mga tanim na ito ay hindi tumubo dahil itinanim sila sa maling oras at panahon.

Kinumpirma ni Edgar Haights, tagapag pangalaga ng Sakura park, na ang mga naitanim na Sakura trees ay naalagaan mabuti at nasa magandang kundisyon. Ipinaliwanag ni Edgar na ang malamig na klima ng Benguet ay ang perpektong lugar para sa mga cherry blossoms dahil ang temperatura dito ay parang sa tagsibol ng bansang Japan.

Ani pa niya: “Pakonti-konti lang siya pero it is a good symbol na talagang hiyang siya dito na namumulaklak siya. Ang goal sana namin lumaki ‘yung cherry blossom. In 10 years time, ine-expect namin na malalaki na yung tree.”
Ang mga cherry blossoms ay nag sisimula mamulaklak sa buwan ng Abril at mayroon lamang dalawang linggo upang makita ang buong pamumulaklak nito. Maari mong bisitahin ang Atok mula Baguio sa pamamagitan ng bus o ng pribadong sasakyan ng tatlong oras.


+ There are no comments

Add yours