Restaurant Owner Nakaisip Ng Mahusay Na Paraan Upang Mapakinabangan Ang Mga Hindi Nakaing Pagkain Sa Kanyang Restaurant
Napakaraming nasasayang na pagkain sa buong mundo, una na rito ay ang sa mga restaurants. Ang mga tira o hindi nakaing pagkain ay madalas na itinatapon na nila ang mga ito. At napakarami ring tao sa buong mundo ang walang makain. Madalas, ang mga taong ito ay nagpupulot na lamang sa basura ng mga tira-tira para lang may ipang-laman sa tiyan.
Kaya naman para sa isang restaurant owner sa Kochi, India na si Minu Pauline, naging isa itong daan upang mamulat ang kanyang mga mata sa totoong nararanasan ng mga taong nagugutom sa mundo.
Isang araw ay nakakita siya ng isang pulubing babae na nangangalkal ng pagkain sa isang basurahan sa labas ng kanyang restaurant. Noong mga sandaling iyon, napagtanto niya na napakarami nilang leftover o mga tirang pagkain na hindi naman nagalaw na itinatapon na lamang sa basura imbes na sana ay ibinibigay na lamang nila sa mga taong walang makain.
Kung sana ay dati pa nilang ginawa iyon ay marami na sana silang napakain na mga mahirap.
“So many people are wasting so much food and someone is taking that food from the same trash.” pahayag niya.
Kaya naman ang restaurant owner na ito ay nakaisip ng napakagandang ideya upang hindi masayang ang kanilang mga hindi nakaing pagkain.
Naglagay siya ng isang refrigerator sa entrance ng kanyang restaurant at saka inilagay doon ang mga hindi nakaing pagkain. Ang sinu mang gustong kumain ay libreng makakakuha ng pagkain doon dahil ito naman ay self-service at nakabukas ng 24/7.
Ayon sa may-ari, inilalagay nila ang date kung kailan nailuto ang pagkain sa bawat pakete. Kaya naman makakatiyak na safe pang kainin ang mga ito.
Araw araw ay naglalagay sila ng 75-80 packs ng mga hindi nakaing pagkain sa kanilang self-service refrigerator. Kaya naman kahit sino mang nagugutom at nais kumain ng libre, mapa-mahirap man ay welcome silang kumain dito.
“If you’re wasting your money, it’s your money, but you’re wasting the society’s resources. Don’t waste the resource, don’t waste the food.”
+ There are no comments
Add yours