Silipin ang Mga Celebrity-Owned Resorts Na Hindi Alam ng Karamihan at Maaring Mong Puntahan!




Nakahanap ka na ba ng mapupuntahan bago matapos ang summer? Nakahanap ka na ba ng resort o ng lugar kung saan kayo pwede mag libang kasama ang iyong mga kaibigan o pamilya? Kung hindi pa, pwede mong puntahan ang mga resort na pagmamay-ari ng inyong mga paboritong artista para sa susunod niyong summer get away!
1. Nayomi Sanctuary Resort (Balete, Batangas)
Ang resort na ito ay pamamamayari ng pamilya ni John Prats at Camille Prats. Ito ay nag silbi bilang kanilang guest house at sa kinalaunan ay binuksan para sa publiko. Pinatayuan ng pamilyang Prats ang resort ng villas, tent at swimming pool. Ang Nayomi Sanctuary Resort ay bagay sa inyong mag papamilya o mag kakaibigan kung gusto nyong kumawala sa stress ng Maynila dahil pinaliligiran ito ng madaming puno at makikita mo ang best view ng Taal Lake sa resort na ito.
Pwede mo ding subukan ang mga Water Sports Activities na inaalok ng resort tulad ng: Banana Boat, Flying Fish at Wakeboarding. Kung gusto mo naman, meron ding inaalok na Balete Tour kung saan pwede mong puntahan ang mga relihiyosong lugar ng Batangas. Pwede mo ding puntahan ang Bulkang Taal kasama ang iyong mga kaibigan o pamilya sa pahanon ng iyong pag stay sa resort.

2. L’Sirene Boutique Resort (Baler, Aurora)
Nakakuha ng inspirasyon ang model na si Sam Pinto sa pag gawa ng kanyang resort sa Baler. Ayon sa kanya, palagi siyang tinatawag na sirena ng kanyang pamilya dahil gusto nyang lumangoy palagi. Nilagyan ni Sam ang kanyang resort ng gazebo at duyan na nakaharap sa swimming pool at ang kanyang resort ay nakaharap sa dagat. May mga surfing lesssons din na inaalok sa mga guests na gustong ma-experience ang malalaking alon ng baler. 

3. Pearl Farm Beach Resort (Samal Island, Davao del Norte)
Ang five-star resort na ito ay matatag-puan sa Mindanao. Ito ay pamamay-ari ng pamilya ng asawa ni Dawn Zulueta na si Rep. Antonio Ernest Lagdameo Jr. Tinawag ito na pearl farm dahil dito inaalagaan at pinapalaki ang mga perlas. Ngayon, ito ay naging beach resort na kilala sa naggagandahan at nakaka relax na tanawin. Meron itong mga bahay na nakatayo sa dagat, air-conditioned rooms, swimming pool, spa, restautrant, basketball at volleyball courts.
4. The Tides Hotel (Boracay)
Nag invest ang aktres na si Iza Calzado sa resort na ito noong siya’y 25 years old pa lamang. Ang resort ng aktres ay matatagpuan sa station 2 ng Boracay, malapit sa D’Mall. Meron itong 60 na kwarto, restaurant, swimming pool, spa, gym, at rooftop bar. Ginantimpalaan ito ng Consumers Choice Award for the Most Outstanding Luxury Destination Hotel noong 2009 at nakakuha rin ng award para sa pagiging Best Beach Resort Hotel by the Top Brand Awards noong 2011. Isinama din ng New York Times ang resort ng aktres sa 44 Places to Go noong 2009.


+ There are no comments

Add yours