Tatlong Libong Inihaw na Manok na may Habang 300m, Pinamigay ng Libre sa Bacolod




Kapag narinig natin ang salitang chicken inasal ay isa lamang ang pumapasok na lugar sa ating mga isip at ito ay walang iba kung hindi Bacolod. Kilala ang Bacolod sa kanilang mga ihaw na manok dahil sa masarap nitong lasa. Ito ang pinaka pangunahing pagkain na maaring makain kapag pumunta ka dito.
Kamakailan lamang sa festival ng inasal na ginanap dito ay namigay ang pamahalaan ng 3,000 inihaw na manok at nagtataglay ng habang 300m ang inilatag sa daan upang ihawin at ipamigay ng libre para sa mga senior citizens. Ito ay bahagi ng kanilang selebrasyon ng Chicken Inasal Festival. Ayon kay Councilor Cindy Rojas na siyang tumatayong festival chairperson, ang mga senior citizen na nakatanggap ng libreng manok ay mula sa 61 barangays na kanilang binigyan ng mga tickets upang makasama sa boodle fight kasama ng mga government officials at ibang guests ng nasabing festival.

Abot 300m ang haba ng mga inihaw na manok na inilatag sa daan mula sa Araneta St. Diamond Jubilee Tower papuntang San Sebastian St. Ang pamahalaan ay nagbigay ng isang milyong bilang pondo sa naturang selebrasyon. “When you say chicken inasal, it’s synonymous to Bacolod City. This is a way of showing the world that Bacolod has the best chicken inasal. 
We are going to target more establishments and increase the length of the grilling station and the number of chicken inasal in the coming years. Next year, we will make it longer. Instead of 300 meters, we will make it 500 meters or even 1,000 meters” dagdag ni Rojas. 


+ There are no comments

Add yours