Teacher Sa Tarlac Ginawan Ng Special Padded Seat Covers Ang Mga Upuan Ng Kanyang Mga Estudyante
Kakaiba talaga ang pagmamahal ng isang guro sa kanyang mga estudyante. Hindi lamang ang matuto ang kanilang concern sa mga mga bata kundi maging ang kapakanan rin ng mga ito habang sila ay nasa loob ng paaralan.
Bago magsimula ang pasukan ay nagkakaroon ng Brigada Eskwela ang mga paaralan sa buong Pilipinas upang paghandaan ang muling pagpasok ng mga estudyante. At dito nagkakaroon ng mga repairs, paglilinis, at pagpapaganda ng mga silid-aralan.
Ngunit ang isang guro na ito na si Merlita Geronimo Narne na nagtuturo sa Balayang Elementary School sa Victoria, Tarlac ay nagviral dahil sa kanyang ginawang espesyal na surpresa para sa kanyang mga estudyante sa pasukan.
Tinahian niya ang bawat armchair sa kanyang classroom ng mga padded seat cover. At ang nakaka-touch pa rito ay siya lamang mismo ang nagtahi at gumawa ng mga makukulay na takip nang mga upuan na ito.
Bago pa man ay pinaghandaan na niya ang pagtahi sa mga ito. At noong bago matapos ang Brigada Eskwela ay natapos na niyang tahiin ang lahat ng mga seat covers at nalagyan na niya ng mga foam ang mismong upuan at back rest na talaga namang napaka-komportableng gamitin ng mga bata.
Maraming netizens ang na-impressed sa ideya na ginawa ng guro dahil hindi lamang ito nakakapagdagdag ng kagandahan at kulay sa classroom kundi makakatulong pa ito sa mga bata na magkaroon ng komportableng upuan kapag sila na ay magbabalik eskwela na.
Komento ng ilang mga netizens,
“Wow mam this shows how much you love your pupils. Feel at home ang dating.”
“Napakaswerte po ng mga bata sa inyo mam!”
“Comfortable na ang mga students kasi hindi na matigas upuan nila. God Bless sa iyo ma’am.”
“Napakaganda nyan! Maiinspire lalo ang mga abta sa pag-aaral dahil maganda at maayos ang kanilang classroom.”
Karapatdapat lamang na magkaroon ng conducive at komportableng environment ang mga estudyante upang mas maging masipag sila sa kanilang pag-aaral. Makakatulong din ang pagkakaroon ng maayos na silid-aralan upang sila ay maging relaxed habang sila ay natututo.
maraming salamat po.mam sa tyaga sa pagtatahi..talagang ramdam un pagiging dedicated nu sa inyong profession…at sa mga parents naman sana mabigyan naman ng consolation si mam..even a simple thank will do…
Ang galing ………….saludo ako sa iyo mam.
I salute you ma'am., pero sa school po ng anak ko pina project pa po ang ganyan sa kanila which is problema pa ng mga parents..,