Viral ang Isang Ambulansya Matapos Gamitin ng Isang Pamilya Para sa Outing Nila Noong Holy Week




Naging lugar ang mahal na araw para mag sama sama at i enjoy ng mag pa-pamilya ang bakasyon. Madaming nag punta sa mga tourist atraksyon at sa mga bakasyunan para mag saya– at ang iba naman ay nag punta sa mga resort, dagat, falls, at ilog upang matangal ang aliwalas dahil sa init ng panahon.

Ngunit may isang ambulance driver ang malalagot dahil dinala nya ang ambyulansya para maipasyal ang kanyang pamilya para sa kanilang outing! Isang netizen na nag ngangalang KC Jane (hindi nya tunay na pangalan) ay nasa bakasyon din ng noong mahal na araw ng makita nya na may ambyulansya sa ilalim ng tulay ng Amnay sa Barangay Pag-asa sa Sablayna, Occidental Mindoro.

May nakalagay na ‘LGU Sablayan’ sa gilid nito at nag silbing ebidensya na ito ay pag mamay-ari ng gobyerno. Kinuhanan ng larawan ni KC Jane ang ambyulansya at ibinahagi sa kanyang social media. Napaisip sya kung tama ba o mali ang ginawa ng drayber at ng kanyang pamilya, lalo na’t gamit nila ang ambulanysa na pag mamay ari ng gobyerno.

Dahil dito, madaming mga netizen ang nagalit sa ginawa ng drayber at ng kanyang pamilya. Ang pang publikong sasakyan ay hindi dapat gamitin sa pribadong pamamaraan at ang mga ambulansya ay dapat laging nakahanda para sa kaso ng mga emerhensiya at hindi dapat ginagamit pang family outing!

Kinumpirma ni Sablayan Mayor Eduardo Gadiano sa publiko na ang abulansyang may plaka na SKT 741 ay pamamay ari ng kanyang bayan at ang drayber ng ambulansya ay naka destino sa bahaging norte ng bayan. Habang iniimbestigahan ang pag kaka-kilanlan ng drayber, sinabi ni Mayor Eduardo Gadiano na mananagot ang drayber sa kanyang ginawa.


1 comment

Add yours

+ Leave a Comment