VIRAL: Parking Boy, Nagsikap at Nag-ipon ng Pera Upang Makakain sa Isang Korean Restaurant




Noong mga nakalipas na araw, nag viral ang post ng isang samyupsal restaurant sa kanilang Facebook account matapos i share ang larawan ng isang parking boy nag nag tatrabaho sa labas ng kanilang restaurant. Siya ay nakilala upang mag mando sa mga customer na gagarahe para kumain sa restaurant at pinapanood lamang niya sila habang sila ay kumakain. Minsan, huminhingi ang bata ng iced tea at binibigyan naman siya ng mga staff ng restaurant.

 Ngunit noong isang araw, pumunta sya sa restaurant para kumain at bayaran ang kanyang pinag kainan gamit ang baryang kanyang naipon mula sa pagiging parking boy. Ayon sa may-ari  ng nasabing korean restaurant “Lagi sya ng hihingi samen Ng ice, and ice tea and then one day he asked my waiter how much daw ba per head, since we have kids rate (4 ft above is regular price) and he’s above 4 ft but he told him na 175 nalang pag kumaen sya, at bumalik nga ang bata na may dalang barya total of P175.00. Of course we accept his payment not because mukha kaming pera but to teach him that if he wants something he have to work for it.”

“I also learned that there’s nothing wrong of treating yourself when it comes to food once in a while don’t feel guilty imagine this kid treat himself nga e. Tau pa Kaya!” dagdag pa ng may-ari. Maraming mga netizens ang humanga sa batang ito dahil pinag ipunan niya ang perang kanyang ibinyad upang ma-treat ang kanyang sarili sa pinapangrap nyang restaurant na dati lamang ay pinapanuod nya ang mga customers nito sa labas ng gusali.
Marami din ang pumuri sa ginawa ng mga restaurant staff dahil binigyan nila ang bata ng discounted price at tinanggap ang perang pinag ipunan nito upang bigyan siya ng aral sa buhay. Meron din namang mga nagalit dahil sinasabi nilang dapat pinakain nila ito ng libre at hindi na dapat kinuha ang kanyang pinag ipunan na barya. 


+ There are no comments

Add yours