Walang Age Limit! Hinangaan Ang Isang Fastfood Dahil Tinanggap Pa Ang Isang Matanda Para Maging Crew



Kadalasan sa mga businesses at ibang establishments, bago sila mag-hire ng kanilang mga empleyado ay sinusuri muna nila ito at nagbibigay sila ng mga work experience requirements, age limit, gender specification etc. Dahil sa mga requirements na ito, ito rin ang nagiging dahilan kung bakit hindi agad makapasok sa isang trabaho. 
Minsan ay nagkakaroon ng gender discr!mination o di kaya ay age limit, kaya naman kapag ang isang tao ay willing namang magtrabaho ngunit hindi pumasa sa mga requirements na ito ay nawawalan na sila ng tiyansang makapagtrabaho. 
Pero para sa isang local na fastfood na ito, hindi nila tinanggihan ang isang matandang nais makapagtrabaho sa kanila bilang isang crew.
Isang netizen na kinilala bilang si Gremma Cuello Avellano ang nagpost ng larawan ng isang matanda na nagtatrabaho sa Mang Inasal na agad namang nagviral. Naging agaw atensyon kasi si Tatay Armando dahil hindi regular na makakita na mayroong service crew pa na mayroong edad na. 
Kahit na sa kanyang edad ay ginagawa ni Tatay Armando kung ano ang regular na ginagawa ng mga crew, mag-serve ng pagkain, maglinis ng mesa, etc. 

Naimpress ang netizen dahil kadalasan, ang mga hina-hire na edad para maging service crew ay mga nasa edad 18-30 taong gulang lamang. Ngunit sa sitwasyon ni Tatay ay mukhang hindi naging hadlang ang kanyang edad upang makapag-trabaho sa isang fastfood.
Saad ng netizen, “Kudos sa may ari ng Mang Inasal Sm Center. Si Tatay Armando isang service crew. First time ko makakita sa fastfood chain ng ganito.”

Ginamit rin ng netizen ang hashtag na, “walang age limit, walang educational background” kasama sa kanyang post.
Nang magviral ang mga larawan ni Tatay Armando ay hinangaan siya ng mga netizens dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho. Sinasabi na kung ang iba ay umaasa na lamang, ibahin si Tatay dahil nagsisikap pa rin siyang makapagtrabaho ng marangal.
Ilan din ang nag-komento sa fastfood  ng pasasalamat sa pagbibigay opurtunidad sa matanda na magtrabaho at kumita ng pera. 

+ There are no comments

Add yours