Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre



Hindi ibig sabihin na kapag salat ka sa pera ay wala ka nang pag-asang maabot ang iyong mga pangarap. Ang tamang sangkap sa tagumpay ay determinasyon, kasipagan, tiyaga at matinding pananalig sa Diyos. 
Hindi naging imposible para sa isang anak ng magsasaka ang makatungtong sa isang prestihiyosong eskwelahan sa ibang bansa. Galing sa isang mahirap na pamilya, pinahanga ni Romnick L. Blanco ang mga tao matapos siyang makapasa sa admission test ng Harvard University. 
Ang kanyang pamilya ay mula sa Bulacan at siya ang pang-pito sa kanilang magkakapatid. Ang kabuhayan ng kanyang ama ay mula sa pagsasaka. Mahirap man ang kanyang pamilyang pinagmulan, ay hindi ito sumuko upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Araw-araw ay masipag siyang pumapasok sa eskwelahan kahit na pa napakalayo ng kanyang nilalakad at tatawid pa ng ilog para makarating sa paaralan at hindi malampasan ang kanilang leksyon. 
Taong 2011 nang mapansin si Romnick ng Green Earth Heritage Foundation at nais siya bigyan ng pagkakataong makapag-aral. Isa itong foundation na kung saan tinutulungan nila ang mga anak ng mga mahihirap na magsasaka upang mabigyan sila ng mga English at computer literacy classes. Binibigyan rin sila ng mga allowance para may ipang-bayad sa mga gastusin sa eskwela.

Dahil sa kanyang kasipagan at matataas na grado, binigyan siya ng scholarship noong high school para makapasok sa International School Manila. At gaya ng kanyang pagsisikap noon, ay pinagpatuloy niya ito hanggang maka-graduate siya noong taong 2017. 
Ngunit hindi rito nagtatapos, dahil noong magkokolehiyo siya ay nakapasa siya sa mga prestihiyosong kolehiyo sa ibang bansa tulad ng Dartmouth College, Wesleyan University, New York University, at sa Harvard University na kung saan libre ang kanyang edukasyon.
Sa dami ng kanyang eskwelang pagpipilian ay napili niya ang Harvard. Tunay na nakakaproud ang batang ito at nawa’y maging inspirasyon pa siya sa ibang mga kabataan na pagbutihan ang kanilang pag-aaral. 

8 Comments

Add yours
  1. 2
    Unknown

    Isn't it nice? What a blessing for him and his family. His hard work and determination have paid off and may his example serve as an encouragement to others who are poor but could achieve high given their talent and hard work.

  2. 8
    Mona Liza

    Hindi mahirap ang mga magsasaka kung kanilang lupa ang sinasaka nila. Simple lang pamumuhay nila kya tingin ng iba ay walang alam. Ang bumuhay ng halaman at napakalaking kaalaman. I miss my tatay "Santos Bukid."

+ Leave a Comment