Batang Pinoy, Pinamangha ang mga Netizens sa Pagkakaroon ng Mahigit 200 na Medalya




Isang labing anim na taong gulang na babae ang nag viral sa social media pag katapos niyang ipost at ishare ang kanyang 200+ medals na nag mula sa mga patimpalak sa eskwelahan at beauty pageants. Humanga naman ang maraming mga netizens sa kanyang nakamit sa murang edad! Kilala siya sa kaniyang pangalan na April Christelle T. De Leon. Siya ay taga Lingayen Pangasinan na nag pamangha sa mga netizens dahil sa kanyang mga medalya na kung saan nakuha niya mula sa eskwelahan at ang iba naman ay galing sa mga extra curricular activities at pageant.
Nanalo at kinoronahan siya bilang Miss Earth, Lakambini ng Wika, Miss A1, at Miss United Nations. Siya rin ang Editor in Chief of the Gulf View (Pangasinan NHS) at The Sea Breeze (Lingayen I CS), dalawa sa multi awarded school organization ng Pangasinan. Dahil ga-graduate na si April mula sa Pangasinan National High School (PNHS), ibinahagi niya ang kanyang mga medal na natanggap gamit ang kanyang facebook account.

Ayon kay April, ang mga medalya na ito ay mga memorya na maaring baunin niya panghabang buhay at kung saan man siya makapunta. Dahil siya ang pinaka matalino sa kanilang paaralan, Siya ang laging top 1 bawat school year mula Grade 1 hangang Grade 10. Nakapag tapos siya bilang Valedictorian noong elementarya at ngayon sa Junior High School, naka kuha siya ng average na 98-100. Siya lamang ang nakakuha ng ganitong kataas na grado mula sa mga graduates ng paaralan. Kumatawan din si April bilang representative ng kanyang eskwelahan sa ibat ibang patimpalak hanggang national level. Nakatanggap siya ng award tulad ng Most Outstanding Campus Journalist na mula sa National Schools Press Conference sa Ormoc. 
Sa kaniyang nag viral na post, ipinaalam ni April na hindi na niya madadala ang mga medalya papunta sa Chicago kung saan siya ay ppupunta. Magiging alaala ang mga medalya na marami siyang nakamit sa mga panahon ng kaniyang buhay. Ito ay bunga na kaniyang nakamit mula sa mga sakripisyo, pagod at walang tigil na determinasyon. Ito din ay mula sa lahat ng mga luha at mga ilang talo niya sa buhay. Si April ay mananatili sa Chicago sa susunod na dalawang taon upang kumpletuhin ang kaniyang Senior High School. Plano niya ding bumalik ng Pilipinas at mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng kursong Biology at Medisina.


+ There are no comments

Add yours