Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis



Ang dyabetis ay isa sa mga problemang pangkalusugan na hinaharap ng karamihang mga tao. Mayroong mga medisinang nagawa ng siyensya upang maiwasan o mabawasan ang karamdamang dulot nito, pero hindi lahat ng tao ay may perang panggastos para dito. 
Kaya naman ang isang 16 taong gulang na estudyante ng Iloilo National High School ay hinangaan dahil sa pagdiskubre ng isang karaniwang prutas na magagamit upang magamot ang type 2 na dyabetis. 
Nakilala ang batang scientist na si Maria Isabel Layson. Ayon sa kanya ang puno ng aratiles ay karaniwang makikita lamang sa paligid at mga bakuran at kadalasan hindi ito pinapansin. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na ito pala ay mayroong hatid na benepisyo para sa may mga dyabetis.
Ito ang nagudyok kay Layson upang pag-aralan ang nasabing prutas. Pinag-aralan niya ang mga antioxidant at anti-d!abetic properties nito lalo na pa’t marami na sa kanilang pamilya ang nagkaroon ng sak!t na ito.
Naging isang challenge ang research na ito para kay Layson dahil kinailangan niyang magpabalik balik sa Maynila upang makumpleto ang kanyang experimento sa Food and Nutrition Research Institute Laboratory. 
Ang pagbabalanse sa kanyang pag-aaral at sa kanyang research ay hindi naging madali ngunit hindi nawala ang kanyang inspirasyon upang matapos at makumpleto ang kanyang research.

At sa kabutihang palad naman ay nadiskubre nga niya na isang magandang source ng antioxidants ang taglay ng aratiles. Nakakatulong rin ito upang maiwasan ang type 2 d!abetes mellitus sa pamamagitan ng pagiwas ng postprandial hyperglycemia.
Nanalo rin ang kanyang research bilang Best Individual Research in Life Science sa Department of Education’s 2019 National Science and Technology Fair. 
Aniya,
“You don’t join research competitions just because you want to win. You have to see, if I join this competition and after, you must have a goal. After this competition, I want to help this kind of population. 
Dahil sa kanyang kahusayan ay naparangalan rin siya bilang first batch ng mga estudyanteng nakatanggap ng Gokongwei Brothers Foundation Young Scientist Award. 
Ngunit hindi lamang di nagtatapos ang kanyang research.
“My research won’t end here. It will actually further develop into more specific compounds. This will help the community in the future.”

1 comment

Add yours

+ Leave a Comment