Creative Na Guro Gumawa Ng Makulay Na Pader Sa Classroom Gamit Ang Mga Sirang Kahoy Ng Upuan
Hindi lahat ng sirang bagay ay dapat ng itapon. Sa katunayan, marami pang magagawa sa mga ito basta paganahin mo lamang ang iyong pagiging malikhain.
Bago magsimula ang pasukan, ang guro na si Reynel Calmerin ng Polomolok Central Elementarty School sa South Cotabato ay mayroong isang magandang surpresang ginawa para sa kanyang mga magiging estudyante.
Hinangaan ang kanyang pagiging malikhain dahil nakagawa siya ng isang napakagandang classroom wall na gamit lamang ay ang mga lumang upuan at sirang lababo.
Saad niya sa caption ng kanyang post,
“From broken chairs to my classroom wall… para klaro po, itinapon na po iyang mga upuan, kinunan na po iyan ng parts na ginamit pang-repair sa ibang upuan… at saka yang wall…sirang lababo po yan.”
Bahagi ni Calmerin na ang mga pinagtagpi-tagpi niyang mga kahoy upang mabuo ang kanyang creative classroom wall ay mula na sa mga pinaggamitan na nirepair na lumang upuan. Upang hindi lang masayang at itapon na lamang ang mga kahoy na ito ay kanyang pinakinabangan at ang resulta naman ay kahanga-hanga.
Isa-isa niyang pinili at pinaghiwa-hiwalay ang mga lumang kahoy na ito ay saka tinanggal ang mga nakausling pako at ginamit naman kung ano ang pwede pang gamitin upang mabuo ang kanyang masterpiece.
Noong maidikit na ito sa pader ay pinintahan niya ang mga bahagi na nabakbak at kumupas upang mas lalong umangat ang kulay nito. At nang matapos niya ito ay nagsabit siya ng mga larawan na nakapagpadagdag sa kagandahan nito.
Ang kinalabasan nito ay parang isang vintage wall na magandang gawing background sa mga pictures. Dagdag ng guro na ito ay ang kanilang reading corner.
Pinuri naman ng mga netizens ang kasipagan at effort ng malikhaing guro. Narito ang ilan sa mga komento.
“Very creative. Salute sir!”
“Nice one sir, very nice.”
“Galing mo sir. Ang ganda magpapicture diyan.”
“Salute sir teachers are very resourceful talaga.”
Wow