Dance Group Inihagis Ang Kanilang Kagrupo Upang Mapakita Ang Kakaibang Paraan Para Makakuha Ng Mangga Sa Mataas Na Puno



Nakaugalian na nating mga Pinoy na kapag ang isang puno ay hitik sa bunga ay sinusungit natin ang mga ito ay di kaya ay umaakyat sa puno para makakuha. Ngunit kung walang sungkit o di kaya ay ayaw mong umakyat sa puno, ano pa ba ang ibang paraan ninyo upang makakuha ng bunga sa mataas na puno?
Pinahanga ng isang Bicol dance group ang mga netizens dahil sa kanilang pinaka-nakakamanghang paraan ng pagkuha ng bunga sa isang mataas na puno ng mangga.
Ang grupo ay mula sa Iriga City sa Camarines Sur na kilala bilang ‘The MAG Dancers.’ 
Ang isa sa kanilang mga kagrupo na si Jed Nhiko Nagales ay ibinahagi na ito ang kanilang unang pagkakataon na subukan ang kakaibang paraang ito sa pagkuha ng mangga. 
Base sa mga larawan ng kanilang short clip ay makikitang tila sila ay magchi-cheerdance. Na kung saan ang isang babae ay kanilang buhat-buhat at saka ito ay kanilang inihagis sa ere upang maabot ang mga mataas na bunga ng mangga. 
Sa propesyunal na pagkakahagis ng babae ay inextend nito ang kanyang mga kamay at saktong nahila ang mga bungga ng mangga at saka siya sinalo ng kanyang mga kasamahan.

Tinagurian ang babae na ‘Mangga Girl’ dahil sa kanyang extraordinaryong stunt sa pagkuha ng mangga. Tiyak na napakagaling na dancer ng babae dahil isang propesyunal lamang ang makakagawa ng kanyang ginawa.

Ayon kay Nagales, ginawa lamang daw nila iyon bilang katuwaan. Ibinahagi rin niya na ilang taon na silang nagsasayaw at halos 2 oras sa loob ng 5 araw sila nageensayo kada linggo. 
Nagulat at namangha naman ang mga netizens dahil sa buwis buhay na ginawang pagkuha ng mangga. 
“Ang angas lumilipad si ate. hahaha”

“What a nice move.”

“Yung feeling na parang kukunin ka na ni Lord. Galiiing!”

“Ang lupet!”

Ngunit isang paalala lamang na huwag tutularan dahil pawang mga propesyunal ang mga nagsagawa nito.


+ There are no comments

Add yours