Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia




Isang babae ang dating nakatira sa isang tambakan ng basura at dating pulubi ang kumikita lamang ng pera mula sa mga basura. Ginagamit niya ang kaniyang mga kinita para makabili ng pagkain at makaraos sa pang araw araw. Ngunit kamakailan ay nagviral siya dahil siya ay nakapagtapos bilang isang valedictorian at nakatanggap pa ng buong scholarship mula sa isang unibersidad sa Australia. 
Ang babae ay nakilalang si Sophy Ron at nakatira siya sa isang tambakan ng basura sa Phnom Penh sa Cambodia. Gaya ng mga nakatira doon, hindi siya nakakapasok sa eskwelahan. Ngunit siya ay buong hapon lamang nagiikot sa tambakan ng basura upang mamasura at makabenta ng mga recycled materials upang makabili ng pagkain. Ito na ang naging buhay ni Sophy upang lumipas ang kanilang mga araw.

Siya ay 11 years old noong nagpunta ang Cambodian Children’s Fund (CCF) sa kanilang lugar upang kunin ang mga bata sa lugar na iyon at pagaralin at bigyan ng magandang buhay. Sa kaniyang edad ay hindi pa siya kailanman nakapasok sa eskwelahan ngunit ang babae na ito ay matiyaga at kumbinsido na mag-aral ng mabuti. Dahil dito siya ay namayagpag sa kaniyang akademiko at nakapagtapos pa bilang isang valedictorian. 
Sa kaniyang valedictory na mensahe sa eskwelahan na Trinity College ay talaga naman pinasalamatan ni Sophy ang CCF at nagbigay ng inspirasyon para sa ibang mag-aaral. Dahil sa kaniyang pagiging valedictorian nakakuha din si Sophy ng isang scholarship mula sa University of Melbourne. Ngunit bago pa siya tuluyan na lumipad patungong Australia nais ni Sophy na umuwi sa kanilang lugar kung saan siya lumaki at umaasang maraming bata ang maidadala niya palabras ng tambakan ng basura upang umahon din ang buhay katulad niya. 


+ Leave a Comment