Dismayado Ang Ilang Mga Netizen Sa Isang Sinehan Dahil Sa “No Outside Food” Policy Na Ito



Nakasanayan na natin na tuwing manunuod ng sinehan ay hindi pwedeng walang bitbit na pagkain. Dahil habang nanunuod ng sine ay masarap din ang may kinakain at iniinom. 
Ngunit isang netizen na kinilala na si John Winkle Wong ang naglabas ng saloobin sa kanyang social media account dahil sa ‘no outside food’ policy ng isang kilalang sikat na sinehan.
Patakaran ng mga SM Cinemas na ang mga pagkain at inumin na binili lamang sa kanilang Snack time ang maaaring ipasok sa loob ng kanilang sinehan. Ngunit giit din ng ilang mga netizens na labag daw sa karapatang pantao ang diktahan ka kung ano ang gusto mong kainin habang nanonood ng sine.
Narito ang naging pahayag ni Wong:
“I’ve officially boyc0tted SM Cinemas. I just saw Godzilla: King of the Monster in Trinoma and from now on, I’ll watch movies in Ayala Malls instead. This “No Outside Food” policy is just st*pid and greedy. Seriously what’s the point? A lot of paying customers were stopped from the cinema entrance and was asked to surrender the food they bought IN THE MALL or eat it outside quickly, a hungry lady who bought nachos was asked to leave it at the entrance (what are they gonna cover it with huh?!) It annoyed me so much when I literally saw a lola who was denied her bottled drink just because she purchased it from SM Hypermart and not in Snack Time. WTF Sm Cinema?! Some people requested for a refund of their tickets but all they can give is a movie voucher. 


Nadismaya ni Wong dahil sa nakita niya isang babaeng customer ang hindi pinapasok dahil may dala sana itong nachos sa sinehan. Ngunit mas lalo itong nainis nang hindi pinapasok ang isang lola na may dala-dalang bottled water na binili naman sa grocery store ng nasabing mall. 
Dagdag ni Wong,
“Why would you deny customers their own choice of comfort food while they enjoy a movie they paid for? Why would you also block other food establishments from making a sale?”

Nang maipost ito ay maraming netizens rin ang sumang-ayon at nagbigay ng kanilang sari-sariling karanasan at komento.
“We are a free country. We are free to decide where we watch our movies.”

“Di mo tuloy makain yung talagang gusto mo na food.”

“Pero diba labag sa karapatang pantao iyang diktahan ka kung ano ang gusto mong kainin habang nanonood ka ng sine na binayaran mo naman ang ticket.”

Kanya-kanya rin ang bahagi ng mga netizens ng saloobin at reklamo. Tulad ng isa na nagsabi na noong manunuod siya ng sine ay napilitan siyang inumin ang isang litro ng buko juice dahil hindi siya pinapasok sa loob. 

+ There are no comments

Add yours