Eroplano Hindi Agad Nakalipad Dahil Sa Pasahero Na Nabuksan Ang Emergency Exit Sa Pag-aakalang Pintuan Ito Ng Banyo
Ang bawat eroplano ay may sinusunod na flight schedule. Kapag nagkaroon ng delay sa flight, tiyak na maapektuhan ang buong biyahe nito. At ito ay napaka-inconvenient sa mga pasahero lalo na sa mga may hinahabol na oras dahil nasasayang ang bawat minuto nila na naghihintay bago makalipad ang kanilang eroplano.
Nakasakay na ang lahat ng mga pasahero sa eroplanong Pakistan International Airlines (PIA) galing sa Manchester papuntang Islamabat at hinihintay na lamang nila ang kanilang paglipad habang sila ay nasa runway.
Nang ang isang pasahero ang di inaasahang nakapagdulot ng delay dahil nabuksan niya ang emergency exit door ng eroplano sa pag-aakala niyang pintuan ito ng comfort room.
Naka-ilaw na ang mga seat belt signs ngunit tumayo pa rin ito upang pumunta sana sa banyo. Pero nang pagkabukas niya sa pintuan ay pintuan pala ito ng emergency exit kaya naman na-deploy ring bigla ang evacuation slide ng eroplano.
Dahil sa insidenteng ito, tumagal ng pitong oras ang kanilang flight.
Ayon sa spokesperson ng PIA, kinailangan nilang pababain ang halos 40 kataong pasahero at maging ang kanilang mga luggages dahil ito ang kanilang standard operating procedure.
Matapos ng mahabang oras na paghihintay ay nakalipad na rin ang eroplano ngunit kakaunti na lamang ang sakay nito. Ang 38 nilang mga pasahero ay pinasakay na lamang sa ibang eroplano dahil sa nawalan ng evacuation slide ang nasabing eroplano na ang ibig sabihin ay bumaba ang evacuation capacity nito.
Samantala, ang mga na-delay na pasahero ay kanila namang binigyan ng mga pagkain at ang iba ay pinag-overnight stay na muna sa hotel. Dahil sa insidente, ay nagkaroon ng domino effect sa iba pang mga departures.
Nagbigay ng paumanhin ang airline company at pinayuhan ang mga pasahero na sundin ang mga security protocols at instructions kapag sasakay sa eroplano upang hindi na muling maulit ang mga ganitong uri ng pangyayari.
+ There are no comments
Add yours