Estudyante/Vendor Nairaos Ang Pag-aaral Sa Kolehiyo Dahil Sa Kanyang Pagtitinda Ng Taho



Maraming mga bata ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil na rin sa maraming rason. Ngunit kahit na sa hirap ng buhay at madaming pagsubok ay hindi ito magiging hadlang para sa isang taong pursigido na talagang makapag-tapos sa pag-aaral.
Katulad na lamang ng isang masipag na working student na ito na taga Calamba, Laguna. Nakilala siya bilang si Lemuel Valencia Espiritu, isang estudyante at isang taho vendor.
Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan ni Lemuel na magtrabaho at magtinda ng taho habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo.
Araw-araw ay maaga siyang gumigising upang ihanda ang kanyang mga panindang tao at ilako ito  sa kanilang lugar upang kumita ng pera. Mahirap man para sa isang estudyante na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ay kinakaya ito ni Lemuel.
At sa ilang taon na kanyang pagpupursigi, pagtitiis, at pagsisikap ay sa wakas ay natapos niya rin ang kanyang kursong Bachelor of Science in Information Technology. 
Saad niya sa kanyang post, 
“TAHOOOO!

Yan yung araw araw na naririnig sakin ng mga taga samin sa loob ng apat na taon.
Nagpapasalamat ako una siyempre kay Lord, sa pagbibigay sakin ng change na makapag aral at makapag tapos sa pagbibigay ng strength sa pang araw-araw na pagtitinda ng taho, ng sipag at tiyaga at higit sa lahat ang makapag bigay tulong sa kapwa ko mag-aaral”
Sa kanyang social media account ay nagbigay siya ng laking pasasalamat sa mga taong tumulong at nagtiwala sa kanya. Unang una sa kanyang mga magulang na laging nariyan para sa kanya kahit na noong panahon na gusto na niyang sumuko.

Sa kanyang mga kaibigan, kaklase at mga guro na naniwala at nagtiwala sa kanya na kaya niya. At sa kanyang mga suki na walang sawang tumatangkilik sa kanyang paninda. 
Makikita rin na isinabit niya sa kanyang bisikleta ang tarpaulin na may mensaheng pasasalamat sa mga taong bumibili ng kanyang paninda. 
Hinangaan naman siya ng mga netizens dahil sa kanyang kasipagan sa pagabot ng kanyang pangarap. Narito ang kanilang mga komento sa kanya.
“Hindi po ako mahilig sa taho, pero napakalaking inspirasyon ng iyong karanasan para sa mga kabataang ayaw mag-aral dahil mahirap ang buhay. Salute to you sir!”

“Proud of you kuya.”

“Nakakainspire ka brad, pagpatuloy mo lang yan para sa mga pangarap mo.”


+ There are no comments

Add yours