Grupo ng Estudyante, Hinangaan ng mga Netizens Matapos Pakainin ang Isang Batang Kalye
Ano nga ba ang kayang biling ng apat na piso sa panahon ngayon? Maaring maibili ito ng dalawa hangang apat na pirasong kendi o tusok tusok tulad ng kikiam at fishball ngunit hindi kayang ibili ang halagang ito ng isang tasa ng kanin o ulam. Isang gutom na bata na meron lamang apat na piso para sa kanyang tanghalian ang nag punta sa isang mama na nag lalako ng fried chicken sa isang bangketa na malapit sa kanyang paaralan upang bumili ng kanyang pagkain.
Kumuha ang bata ng isang stick ng chicken at tinanong ang mama na nag bebenta kung pwede lang niya itong bayaran gamit ang kanyang apat na pisong pera. Noong nakita nung nag titinda na mukang gutom na gutom na yung bata, hinayaan nalamang niya itong kainin ang stick ng chicken kahit na hindi niya kayang bayaran ang halaga nito. Noong nakita ng mga grupo ng estudyante na kumakain din noong panahong iyon, naawa sila sa bata.
Hindi mayaman ang mga estudyanteng ito kaya naman naramdaman nila ang hirap ng batang nasa kanilang harapan kung saan ang bata ay mukang gutom at pagod, wala din siyang uniporme ngunit napasok siya sa eskwelahan. Dahil dito, nag ambag ambag ang mga mag kakaklase upang bilhan ng tanghalian ang bata, kung saan makikita sa Facebook post ni Thirdy Echenique Dela Torre III.
Pagkatapos kumain ng bata, binilhan naman nila ito ng pares ng tsinelas at mga damit. Dinagdagan din nila ng bola upang laruin ng bata dahil nakita nila kung paano tignan nung bata ang ibang mga bata na may hawak hawak na laruan sa tindahan. Nag viral ang post ni Thirdy at maraming mga netizens ang pumuri sa magandang gawain nila. Marami ding nag hangad na sana ay mas madaming mga bata ang lumaking kagaya nila, handang tumulong sa murang edad at kahit walang sapat na pera!
+ There are no comments
Add yours