Guro Nagpagamit Ng Napakaliit Na Kapirasong Papel Para Maiwasan Ang Kopyahan Sa Kanyang Klase
Marami na ang mga pagkakataon na kapag ang isang estudyante ay hindi nag-aral ng kanyang leksyon, imbes na bumagsak malamang mangongopya na lamang siya sa kanyang katabi. Hindi na ito iba sa mga estudyante, ngunit dapat nilang malaman na ang ‘cheating’ o pangongopya ay isang seryosong offense.
Marami ng napahamak dahil sa pangongopya kaya naman ang isang secondary teacher na ito ay nakaisip ng matalinong paraan upang maiwasan ang tukso na mangopya sa katabi.
Ang guro na si Netherland Retusto ay nais na linawin sa kanyang mga estudyante na ang pangongopya ay masama at dapat ito ay iwasan.
Kaya naman upang maiwasan ng kanyang mga estudyante na mangopya ay ipinatupad niya ang ‘Oplan: Iwas Kalokohan,’ at sa kanilang pagsusulit ay pinagamit niya ang mga ito ng 1/32 sheet of paper na saktong saktong matatakpan ng palad.
Saad niya sa kanyang post,
“Short quiz on 1/32 piece of paper
I don’t want my students to take revenge from the mistake that I did from my past because I cheated when I was a student.
I’ve been doing this kind of technique for a year now because I want to avoid the unavoidable which is CHEATING. Well, no one likes to be cheated so am I. There is no DepEd Order or a Republic Act that restricts a teacher from doing this one. Do not get me wrong, the items for a short quiz is 10-20 items only.”
Bago pa man daw magsimula ang maikling pagsusulit ay nagkasundo na sila ng kanyang mga estudyante na ganito lamang kaliit ang kanilang gagamiting papel para hindi sila makapagkopyahan.
At noong matapos ito ay nagtanong ang guro kung anong feedback ng kanyang mga estudyante at tila na-appreciate naman nila ito dahil nga mas na-challenge sila na mas mag-aral mabuti.
Hinangaan naman ng mga netizens ang naisip na paraan ni Retusto dahil mas mabuti na habang maaga pa ay naiiwasan na ang tukso sa pangongopya. Nagbigay rin ng positive feedback ang mga netizens tungkol dito.
“Ang cute ng strategy.”
“No to cheating. Nakatulong ka pa sa environment.”
“Challenging indeed but wise.”
“Yung 1 sheet ng intermediate pang isang linggo na quiz.”
“Maganda nga po, tipid pa sa paper.”
+ There are no comments
Add yours